Thursday, April 29, 2021

Suspek patay sa buy-bust sa Basilan; P340,000 halaga ng shabu nasabat

Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa highway ng Brgy. Sta Clara sa lungsod na ito Martes ng hapon.


Kinilala ang suspek na si Sawajaan "Bin" Indanan.


Ayon sa report ng PDEA-BARMM, bumunot si Indanan ng armas matapos matunugan na pulis pala ang katransaksyon niya, kaya napilitan umano ang mga awtoridad na barilin siya.


Isinugod siya sa ospital, pero idineklarang patay habang ginagamot.


Isang sachet na puno ng shabu ang nakuha mula sa suspek sa operasyon. Nasa P340,000 umano ang halaga ng nakuhang ilegal na droga na may 50 gramo ang bigat. — Ulat ni Chrislen Bulosan


https://news.abs-cbn.com/news/04/29/21/suspek-patay-sa-buy-bust-sa-basilan-p340000-halaga-ng-shabu-nasabat

No comments:

Post a Comment