Sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang reconstruction sa ‘Bicol Express’ na tren ng Philippine National Railways (PNR) na biyahe mula sa Maynila patungo ng Sorsogon sa Bicol.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Rails Cezar Chavez, sa oras na matapos ang reconstruction ay imbes na 13 oras na biyahe sa bus ay iikli na lang sa 7 oras ang magiging biyahe ng mga pasahero na sasakay ng “Bicol Express”.
Sinabi ni Cahvez na bagong riles, bagong istasyon, bagong bagon, operations, maintenance and management, sistema, ang kanilang plano sa biyahe ng tren patungong Bicol.
Inaasahan na aarangkada ang ‘Bicol Express’ bago bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte at may budget na aabot sa P175 bilyon na pinondohan na umano ng bansang China.
Aniya, nangako ang China na tatapusin ang konstruksyon ng riles sa loob ng tatlong taon habang kinakailangan namang i-relocate ng gobyerno ang mahigit sa 100,000 pamilya na informal settler na maapektuhan ng proyekto upang maayos ang right of way ng riles.
http://www.philstar.com:8080/bansa/2017/10/22/1751281/reconstruction-ng-bicol-express-sisimulan