Monday, May 31, 2021

French national natagpuang patay sa Dipolog

DIPOLOG CITY — Patay na nang inabutan ng kanyang caretaker ang 66-anyos na French national na si Didier Louis Marie Calvez nitong Linggo ng hapon sa lungsod na ito. 


Ayon sa awtoridad, nakahiga ang banyaga sa loob ng nirerentahang kuwarto nito sa Barangay Biasong, na halos buto’t balat na sa payat.


Halos 20 taon na umanong naninirahan sa lungsod ang banyaga kahit na mag-isa na lang ito.


Ngayong Lunes, isang autopsy ang nakatakdang gawin upang malaman kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay.


Nakipag-ugnayan na rin ang awtoridad sa embahada ng France sa sinapit ni Calvez.


—Ulat ni Dynah Diestro


https://news.abs-cbn.com/news/05/31/21/french-national-natagpuang-patay-sa-loob-ng-nirerentahang-kuwarto