Thursday, April 29, 2021

Drug suspect patay sa engkwentro sa Nueva Ecija

Lady Vicencio, ABS-CBN News


Nauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Pag-asa, bayan ng Talavera, Nueva Ecija kamakailan.


Target ng operasyon si Rency Boy Valencia na nakipagkita umano sa poseur-buyer sa tinutuluyan nilang bahay.


Nakapagbenta pa umano si Valencia ng P500 halaga ng hinihinalang shabu bago makaramdam na pulis ang katransaksyon.


Pinaputukan umano ni Valencia ang mga pulis kaya dumepensa na rin ang mga awtoridad at napatay ang target.


Kasama sa drugs watchlist si Valencia na kilalang gumagamit at nagtutulak ng droga sa kanilang lugar.


Ilang linggo na ring minamanmanan ang kaniyang ilegal na aktibidad bago ang umano'y buy-bust.


Isang pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha sa suspek at narekober din ang .357 Magnum na ginamit umano ng suspek sa engkuwentro.


https://news.abs-cbn.com/news/04/29/21/drug-suspect-patay-sa-engkwentro-sa-nueva-ecija

No comments:

Post a Comment