Sunday, November 15, 2020

'Worse than we prepared for': Cagayan LGU nabulaga sa malawakang baha

 Nabulaga ang lokal na pamahalaan ng Cagayan sa lebel ng tubig na pumasok sa probinsiya sa pagbahang inilarawan nilang pinakamalala sa loob ng 4 na dekada. 


Sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na pinaghandaan naman daw nila ang pagbaha at nagbigay sila ng sapat na abiso. 


Pero nabigla umano sila sa dami ng tubig na bumaba kahit pa man walang storm signal na nakataas sa lugar nang dumaan ang bagyong Ulysses. 


"Nakapaghanda po kami (We were able to prepare), no question about that. We anticipated this, we had preemptive evacuation, we had forced evacuation. We anticipated this but we did not anticipate how enormous ‘yung tubig na darating (the water that was coming)," ani Mamba. 


Napuno ng panawagan ng tulong ang social media para sa mga nasalanta ng baha sa Cagayan, kung saan 9 na ang naitalang patay Sabado. 


9 dead in unprecedented 'late' floods in Cagayan; rain washed down from nearby provinces- Gov

Maraming residente ang napunta sa kanilang mga bubungan, nag-aabang ng tulong o ayuda sa mga awtoridad. 


Bukod sa northeast monsoon at sa pagdaan ng bagyong Ulysses, ang itinuturong dahilan ni Mamba ng pagbaha ay ang pagbubukas ng Magat Dam, na aniya'y nagpapalubog ng probinsiya sa baha. 


Kaya panawagan niya, limitahan ang paglalabas ng tubig sa naturang dam. 


"We also sought the help of the Magat Dam na kung pupwede, if it’s possible, na ilimit nila yung pagrelease nila ng tubig galing sa Magat Dam dahil ito po ay nakakadagdag at siya naman po yung dahilan kung bakit matagal humupa ang aming flooding dito," ani Mamba. 


Nobyembre 9 nang mag-umpisang magpakawala ng tubig ang Magat dam bilang paghahanda noon sa bagyong Ulysses. 


Pero noong Huwebes, Nobyembre 12, 7 gate ang binuksan sa dam. Ayon kay PAGASA Hydrologist Richard Orendain, katumbas ito ng 127,200 Olympic size swimming pool kada araw. 


Pero giit ni Orendain, delikado kung 'di magpapakawala ng tubig. 


"Unang una dyan is kailangan nating ma-preserve yung integrity ng ating mga dams dahil ang ating mga dams ay may kanya-kanyang mga design... So yung integrity ng dam ang kailangan natin. Mas delikado kung pupunuin natin yung dam at ‘pag nagkaroon ng dam break yung pagbaha na yan mas malala du'n sa pagbahang nararanasan natin ngayon," ani Orendain. 


Pero nilinaw ni Engineer Edwin Viernes ng National Irrigation Authority, nagbibigay sila ng abiso higit 6 oras para makapaghanda ang mga residente. 


Mas kumaunti na ang bilang ng mga gate na nakabukas. Pero wala pa ring katiyakan kung kailan matitigil ang pagpapakawala. 


Nananatili pa ring nasa critical level ng 12.70 metro ang lebel ng tubig sa Buntun Bridge sa Tugueguerao City. -- Ulat ni Danielle Rebollos 

https://news.abs-cbn.com/news/11/14/20/worse-than-we-prepared-for-cagayan-lgu-nabulaga-sa-malawakang-baha

Calabarzon opens largest COVID-19 quarantine facility in the PH

A quarantine facility that houses 550 beds, the largest facility so far built in the country, was opened in Calamba city, Laguna on Saturday to to augment Calabarzon's COVID-19 response by increasing the patient-isolation capacity of the region.


The opening of the facility came as the government expected a spike in coronavirus cases after a series of typhoons hit the country.


“Dahil nagkaroon ng sunud-sunod na kalamidad, ang ating evacuation centers natin di maiiwasan magkaroon ng pagkakadikit-dikit. And we expect na magkakaroon tayo ng increases on our COVID-19 cases,” National Task Force (NTF) COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. said.


(Due to the successive calamities, people will crowd the evacuation centers. We expect increases in our COVID-19 cases). 


The P50 million repurposed quarantine facility was originally the regional government center of Calabarzon. 


It has complete amenities for patients, as well as a healthcare workers’ quarters with CCTV cameras installed.


“With the construction of this mega quarantine facility, we now have an adequate COVID response for isolation in your region," NTF vice-chair Eduard Año said during the ceremonial turnover.


“Gayunpaman, 'wag po tayo magkumpiyansa. Pangalagaan pa rin po natin ang ating mga kalusugan at panatilihin na lagi tayong naka-mask.”


(This doesn't mean we'll let our guards down. Let's take care of our health and always wear our face masks.)


https://news.abs-cbn.com/news/11/15/20/calabarzon-opens-largest-covid-19-quarantine-facility-in-the-ph