Thursday, April 29, 2021

Panawagan ng mga manggagawa, huwag nang bawasan pa ang P100 daily wage subsidy

(UPDATE)—Nanawagan ang isang grupo ng mga manggagawa nitong Huwebes na huwag gawing barya ang hinihingi nilang P100 daily wage subsidy dahil sa patuloy na paghagupit ng COVID-19 pandemic.


"Tingin ko pwede na sa amin kahit mga P70, pero wag na sanang babababa pa. Compromised na nga yun. 'Wag naman sanang gawing barya ang ibigay na dagdag-sahod," ani Defend Jobs Philippines spokesman Christian Lloyd Magsoy sa DZMM Teleradyo.


"Dapat sana pagbigyan ito ng Presidente, Kongreso dahil walang-wala talaga ang mga manggagawa sa kasalukuyan."


Dagdag niya, nasa P300 milyong ayuda pa ang hindi pa naiibigay ng Department of Labor and Employment.


Pahirapan din umanong kumuha ng kompensasyon ang mga manggagawang nagkaroon ng COVID-19 mula sa Employment Compensation Commission dahil umano sa kulang na requirement kahit nagpasa ng kumpletong dokumento ang mga ito.


"May red tape din sa ahensiyang 'yan. Ang daming hinahanap na requirement. It takes months to process para makuha ang compensation," ani Magsoy.


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/29/21/panawagan-ng-mga-manggagawa-huwag-nang-bawasan-pa-ang-p100-daily-wage-subsidy

No comments:

Post a Comment