Wednesday, May 2, 2018

LRT-1: Engineering Improvements 2018



Malaki ang ipinagbago ng LRT 1 mula nung naprivatized ang O and M. Naimproved ang:

1. Stations - Naging color light/dark gray, & binalik ulit sa red roof then narehab din ang mga stairways na nilagyan ng grill mesh then nagkaroon ng mga lights sa platform.
2. Trains - Narehab na rin ang 1G & 2G trains na lalo pang nagincrease ang mga tram cars & naayos na rin ang mga sirang buttons sa control panel ng driver.
3. Parapet walls - from brutalist design to modern design na may metal cladding na ang parapet wall with concrete sa ibaba.
4. Signaling system - naupgrade na rin & bumilis lalo ang headway dahil sa increasing ng mga trams cars especially ang 1G & 2G na narefurbished na.
5. LRMC Staff - okay ang pakikisama sa mga pasahero.
6. Rails - Napalitan na rin ang mga lumang riles.
7. LRT 1 CEP - Natapos na rin ang ground breaking na CEP & by 3rd quarter of this yr ay masisimulan na ang project (I hope better ang designs ng mga stations & viaduct)

Iba talaga kapag privatized ang isang railway system. I hope mapunta na rin ang LRT 2 sa ULC at MRT 3 sa LRMC. Sigurado maganda at maayos na ang O and M ng lines 2 and 3 kapag kayo na ang nag take - over.

Yung Ayala Boulevard Station would use the Original Design of LRT-1 stations, while the Malvar Station would use the MRT-3 station design