Thursday, April 29, 2021

Vaccine orders ng Pilipinas apektado ng COVID-19 crisis sa India

 Dahil sa patuloy na pagsipa ng COVID-19 cases sa India, apektado na rin ang schedule ng pagdating sa Pilipinas ng bakuna mula roon. 


"Because of what’s happening in India, they have stopped muna 'yung kanilang commitments to other countries. Hindi lang tayo ang nagkaroon ng ganiyang issue," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.


Nitong Huwebes, naitala sa India ang pinakaraming bilang ng namatay sa COVID-19 sa isang araw na pumalo sa higit 3,645.


Nasa 379,257 naman ang naitalang bagong kaso, isa ulit record-high.


Walang tigil ang trabaho ng mga sepulturero sa Mumbai para ilibing ang mga namamatay dahil sa COVID-19.


Sa mga bakanteng lote at parking lots naman sinusunog ang ibang mga bangkay dahil puno pa rin ang mga crematorium.


Nasa higit 18 milyon na ang kabuuang bilang ng nagka-COVID-19 sa India.


Dumating naman mula Russia ang ilang tulong, kabilang ang mga oxygen concentrator, ventilator at mga gamot.


Sa Mayo darating sa India ang unang batch ng Sputnik V, ang bakunang gawa sa Russia.


Ang Amerika, magpapadala naman ng mga oxygen cylinder, N-95 masks, test kits at mga sangkap sa paggawa ng bakuna.


Hindi pa rin kasi sapat ang suplay ng bakuna sa India para sa 600,000 milyong katao na maaaring makatanggap nito.


Siyam na porsiyento pa lang ng higit 1.3 bilyong populasyon ng India ang nababakunahan.


—Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/04/29/21/vaccine-orders-pilipinas-apektado-covid-19-crisis-india

No comments:

Post a Comment