Thursday, April 29, 2021

Higit P8M halaga ng shabu nasamsam sa BARMM

COTABATO CITY - Nasa. P8.1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska mula sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM sa Maguindanao at Tawi-Tawi nitong Miyerkoles.


Nauna ang operasyon sa Barangay Pag-Asa, Bongao, Tawi-Tawi Miyerkoles ng umaga kung saan nahuli ang isang mag-asawa at isa pang lalaki at nakumpiska sa kanila ang 14 pakete ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang malaking bag. 


Tinatayang nasa P4,760,000 ang halaga ng drogang nakumpiska sa kanila.

 

Sa ikinasang operasyon naman ng awtoridad sa Midsayap, Datu Piang, Maguindanao nahuli ang tatlong lalaki matapos makunan ng 10 sachet ng shabu.


Nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa kalahating kilo ang bigat ang nakuha mula sa kanila.


Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga suspek na haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


- Ulat nina Leizle Lacastesantos at Chrislen Bulosan


https://news.abs-cbn.com/news/04/29/21/higit-p8m-halaga-ng-shabu-nasamsam-sa-barmm

No comments:

Post a Comment