Sunday, December 9, 2018

SM Daily Prayer

Ihanda natin ang ating sarili para sa pambungad na panalangin.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Panginoon, sa pagsisimula ng araw na ito,
ipinakikita Mo sa amin
kung gaano kami kapalad
sa pagkakaroon ng isang hanapbuhay.
Paalalahanan Mo kaming magpasalamat
para sa gawaing ito,
sa mga taong nakakasalamuha namin,
at sa aming tinatanggap na kabayaran.
Gawin Mo po kaming matulungin
sa aming mga mamimili, mga kasamahan,
at malugod sa aming pinaglilingkuran.
Kung kinakailangang dumaing,
bigyan Mo po kami ng kababaang-loob
na isipin ang kapakanan ng iba
bago ang pansarili.
Ipamalay Mo po sa amin na
sa pamamagitan ng aming paggawa,
ay maipagpatuloy namin
ang Iyong sinimulang gawain.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

This has been our prayer since 1986

As we work to make a better day for everyone