Wednesday, August 21, 2019

Sampung branches ng 7-Eleven Convenience store, Itatayo sa Cotabato City

COTABATO CITY - Patuloy ang paglagak ng puhunan ng mga imbestor sa lungsod.

Noong nakaraang linggo, Nakipag usap na sa City Mayor's office ang mga negosyante na magpapatayo ng Sampung Branch ng 7-Eleven Convenience Store at Wendy's Hamburgers sa lungsod.

Isa hanggang sa dalawang branch ng 7-Eleven at Wendy's ang nakatakdang simulan ang konstruksyon ngayong taong 2019.

Ito ang kinumpirma sa Bandera News Team ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani. Ayon sa Alkalde..

Hinahanapan na rin ng lugar ang iba pang negosyante na magpapatayo ng 7-Eleven Convenience store at Wendy's Hamburgers na inaasahang makapagbibigay ng dagdag na trabaho at Revenue collection ng lungsod.

Maliban sa 7-Eleven Convenience store at Wendy's Hamburgers, nakatakda ring itayo sa lungsod ang Penong's barbeque seafood and Grill.

At inaasahan na sisimulan na rin ang konstruksyon ng KCC Mall sa darating na buwan ng Setyembre nitong taon.

Bago matapos ang taong 2019 ayon sa alkalde ay mayroong pang Sampung mga bagong negosyo ang bubuksan sa lungsod.