Monday, December 19, 2016

PURIHIN ANG PANGINOON (COMPARISON)


Purihin ang Panginoon, si Kristo ay narito na, tanging lakas at pag-asa
(El Shaddai Gospel Choir)


Koro:
Purihin ang Panginoon
Si kristo ay narito na!
Tanging Lakas at pag-asa
Aleluya-a-aleluya!

Purihin ang Panginoon
Pagdiriwang sa pagdating niya
Nagagalak ang ating espiritu
Si Kristo ay narito na
Alitan ay iwasan na
Tayo ay tutulungan niya! (KORO)

Tanging lakas at pag-asa
Naririto sa tuwina
Nakahandang tulungan ka
Alelu-aleluya lagi na siya ang kasama
Sa hirap man at ginhawa. (KORO)

Koda: Alelu-uya...(4x)

Aleluya!

Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan
Danny Isidro - Fruto Ramirez, SJ
Album: Misang Pilipino

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
at ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Sa ating pagkabagabag,
sa Diyos tayo'y tumawag.
Sa ating mga kaaway,
tayo ay Kanyang iniligtas! (KORO)

Ang pasaning mabigat,
sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan
ng Diyos na Tagapagligtas! (KORO)

Kaya panginoo’y dinggin;
ang landas n’y’ay tahakin.
Habang-buhay ay purihin
kagandahang-loob n’ya sa atin. (KORO)