Thursday, April 29, 2021

200 bahay nasunog sa Davao City

Tinatayang nasa 200 bahay ang natupok noong gabi ng Miyerkoles sa Barangay Ilang sa lungsod na ito, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Bandang alas-9 ng gabi nang mag-umpisa ang sunog na tumama sa residential area sa Purok 11, malapit sa dagat.


Umabot pa ito sa ikatlong alarma bago tuluyang nakontrol alas-10 ng gabi. Bandang alas-2:26 ng madaling araw ng Huwebes nagdeklara ng fire out ang mga awtoridad.


Wala namang naiulat na namatay sa sunog.


Inilikas muna ang mga residente sa barangay gym.


Tinatayang aabot sa P2 milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian dahil sa insidente.


Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.


Sumiklab din ang sunog sa parehong lugar noong Abril 29, 2020, kung saan daan-daang bahay din ang natupok.


— Ulat ni Hernel Tocmo


https://news.abs-cbn.com/news/04/29/21/ilang-bahay-malapit-sa-dagat-sa-davao-city-nasunog

No comments:

Post a Comment