APRUBADO na sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na magpapataw ng multa at parusa sa mga hindi magbibigay respeto sa pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang”.
Sa botong 196 ng kabuuang bilang ng mga kongresista ay naipasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 465 o “ An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-of-Arms and other Heraldic Items and Devices of the Philippines.”
Sa ilalim ng panukala, pagmumultahin ng P100,000 at makukulong ng dalawang taon ang sinumang performer na lalayo sa official musical arrangement ng “Lupang Hinirang” na binuo ni Julian Felipe.
“Lupang Hinirang” should be sung in a marching-type tempo, within the range of 100 to 120 metronome, in 4/4 beat and 2/4 beat when played,” binigyang diin pa ng pangunahing may-akda ng panukala na si Sorsogon Rep. Salvador Escudero.
Bukod sa Pambansang Awit, inaprubahan din ang consolidated bills na House Bills 603 at 465 na nagbabawal sa paggamit ng Philippine flag at iba pang heraldic items and devices bilang advertising tool para sa political o private purposes, at pananamit o fashion accessory.
Maaari lamang gamitin ang watawat na pangtakip sa casket o kabaong ng nasawing miyembro ng militar, veterans, national artists, o civilian na nagbigay ng karangalan sa bansa. Meliza Maluntag