Sunday, January 31, 2021

TV Patrol Weekend live streaming January 31, 2021 | Full Episode Replay

WATCH: PCSO 9 PM Lotto Draw, January 31, 2021

ORAS NG HIMALA - JANUARY 31, 2021

NEWS JAM - JANUARY 31, 2021

LIVE: TV Patrol Weekend livestream | January 31, 2021 Full Episode

WATCH: PCSO 5 PM Lotto Draw, January 31, 2021

WATCH: PCSO 2 PM Lotto Draw, January 31, 2021

Babae patay matapos saksakin ng kinakasama sa Samar

Patay ang isang babae mula San Jorge, Samar matapos saksakin ng kaniyang kinakasama, ayon sa pulisya.


Sa ulat ng Eastern Visayas police, kinilala ang biktima bilang si Jennifer Santiago, isang 40 anyos na health worker at residente ng Barangay Mo-boob.


Kinilala naman ang suspek bilang si Liberato Cabubas, isang 51 anyos na magsasaka.


Ayon sa pulisya, lasing si Cabubas nang lapitan nito noong Biyernes si Santiago nang walang dahilan at biglang sinaksak.


Isinugod sa ospital si Santiago pero idineklarang dead on arrival.


Nasugatan din sa insidente ang isang magsasaka at 2 guro.


Ayon kay Capt. Michael Ray CaƱete, hepe ng San Jorge police, isang liblib na lugar ang barangay na pinangyarihan ng krimen.


Pagdating umano ng mga pulis sa lugar ay dinala na sa ospital ang mga biktima at nakatakas ang suspek.


Sa ngayon, patuloy ang pagtugis kay Cabubas.


-- Ulat ni Ranulfo Docdocan


https://news.abs-cbn.com/news/01/31/21/babae-patay-matapos-saksakin-ng-kinakasama-sa-samar

1 patay sa buy-bust ops ng PDEA sa Tawi-Tawi

COTABATO CITY, Philippines—Isang lalaki ang patay habang nakatakas ang isang kasama nito sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM sa Tawi-Tawi Sabado ng umaga.


Kinilala ang namatay na si Winnie Basanon, tinaguriang No. 10 most wanted sa lalawigan, ayon sa mga awtoridad.


Dakong alas-7 ng umaga nang ikinasa ng PDEA-BARMM ang operation sa Barangay Bintawlan, bayan ng South Ubian.


Nakuha sa mga suspek ang 6 na sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, 7 piraso ng straw, 1 rolled aluminum foil, at 1 puting plastic case.


Nakuha rin sa kanila ang P1,000 kasama ng boodle money, isang cell phone, isang kalibre .45 na baril, isang M16-A1 rifle at isang M14 rifle.


Ayon kay PDEA BARMM regional director Juvenal Azurin, papasok na ang kanilang tropa sa lugar nang magpaputok ang mga suspek.


https://news.abs-cbn.com/news/01/31/21/1-patay-sa-buy-bust-ops-ng-pdea-sa-tawi-tawi

Agriculture dept confirms case of African swine fever in Dulag, Leyte

The Department of Agriculture (DA) confirmed in a statement on Friday the presence of African swine fever (ASF) in Dulag town, Leyte.


The Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) conducted a rapid test following what was described as "an unusual death" of 1 sow in Barangay Combis, according to the DA.


It was confirmed Friday as a positive ASF case following results of the PCR diagnostic test conducted by the Bureau of Animal Industry in Manila.


Dulag is 43.8 kilometers from Abuyog town, where a previous ASF case in Leyte was detected. At least 519 hogs were culled in Abuyog as a result of the ASF spread to nearby towns. 


In response to the ASF case in Dulag, the DA Regional Task Force conducted an orientation for municipal officials, including Mayor Mildred Joy Que on how to contain the disease.


Hog raisers in Dulag were also advised to closely monitor their respective livestock, avoid swill feeding, and enforce strict quarantine measures.


They were also advised to report to Municipal Agriculture Office symptoms and report unusual hog deaths.


https://news.abs-cbn.com/news/01/31/21/agriculture-dept-confirms-case-of-african-swine-fever-in-dulag-leyte