Muling dinumog ng ilang kilalang personalidad ang laban ni Manny Pacquiao kay Joshua Clottey kahapon.
Kabilang sa mga sumaksi sa panalo ni “Pacman” ay ang dati nitong karibal na si Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera at Puerto Rican fighter Miguel Angel Cotto.
Sina Barrera at Cotto ay parehong tinalo na ni Pacquiao.
Umiskor si Paquiao ng isang 11th-round TKO kay Barrera sa kanilang Peoples’ Featherweigth Championship” noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome, Texas. Tinalo naman ni Pacquiao si Cotto via 12th-round TKO noong Nobyembre ng 2009 upang agawin sa huli ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Bago pa man talunin ni Pacquiao si Clottey ay nagsabi na sina Barrera at Cotto na ang tubong General Santos City ang mananalo sa laban.
Nakita rin sa Cowboys Stadium sina dating American football linebacker Charles Haley, dating football coach Barry Switzer at ang retiradong si football quarterback Troy Aikman.
Nanood rin sina American football wide receiver Miels Austin, sportscaster at dating American football wide receiver na si Drew Pearson at Harrion Barber.
Samantala, mula sa puso para sa bayan.
Ito ang naging bersyon ni Arnel Pineda, ang frontman ng rock band na Journey, sa pagkanta niya ng pambansang awit ng Pilipinas sa laban ni Pacquiao kay Joshua Clottey kahapon sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Inamin ni Pineda, naging bisita ni Pacquiao sa kanyang ika-31 kaarawan noong Disyembre sa General Santos City, na ilang beses na siyang nahilingan ni Pacquiao na kumanta sa kanyang laban.
Ngunit ang mga ito ay hindi natupad dahilan sa kanyang ‘hectic schedule’ bilang bokalista ng Journey.
Si Pineda ang ikalawang Filipino male singer na kumanta ng National Anthem sa laban ni Pacquiao matapos si Martin Nievera noong Mayo sa kanyang laban kay Ricky Hatton sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. Inulan ng kritisismo si Nievera sa kanyang maarteng pagkanta ng “Lupang Hinirang.”
Ayon sa Section 37 ng Republic Act (RA) 8491, ang pagkanta ng national anthem ay nararapat na angkop sa musical arrangement at mula sa komposisyon ni Julian Felipe.
Kapag ito ay narinig, tumayo ng matuwid, humarap sa watawat at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang inaawit.
Ito ay pwedeng kantahin sa pandaigdigang kumpetisyon na host ang Pilipinas o may kinatawan ang ating bansa; sa sign on at sign off ng mga himpilan ng radyo at telebisyon; bago ang pagbubukas ng oras ng trabaho at nagtatapos ang trabaho ng mga emplyeado; sa una at huling screening ng pelikula sa mga sinehan at bago simulan ang mga pagtatanghal sa teatro; Ibinigay, na ang mga may-ari at pamamahala ng mga establisimyento ay dapat na utusan upang ipatupad ang tamang pakikitungo at ipatupad ang mga may kinalaman sa batas na ito; at iba pang okasyon na maaaring pahintulutan ng Surian.
Ang Panatang Makabayan ay dapat na bigkasin pagkatapos ng pagkanta ng pambansang awit sa mga opisina at paaralan. Ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas ay maaaring kabisado din, bagaman ang batas ay hindi tumutukoy kung sino ang kinakailangan upang gawin ito.
Habang ang section 20 naman nito ay nagsasaad na ang seremonya sa pagtataas ng watawat ng pilipinas sa mga opisyal o sibikong pagtitipon ay dapat na simple at may paggalang, at dapat na patugtugin o kantahin sa orihinal na lirikong Filipino at pamartsang ritmo.
Ang parusa sa ganitong paglabag ay pagmumulta ng limang-libong piso o pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa isang taon, o kaya’y parehong pagpataw ng nasabing parusa.
Ang pangangailangan na pagtayo tuwing National Anthem sa isang public gathering tulad ng sinehan. Ang mga manonood na hindi tatayo tuwing National Anthem ay maaaring hulihin sa pamamagitan ng citizens arrest ng security personnel at ushers.
Subalit ito’y mariing itinanggi ni Arnel. Tama lang daw ang kaniyang pagkaka-awit.
Kung gayon, papaano nga ba aawitin ang Lupang Hinirang?
Hindi naman siguro mahirap sagutin ang tanong na ito na kahit isang musmos na bata sa kindergarten ay alam kung papaano ito aawitin.
At papaano nga ba? Titindig dapat ng matuwid, iiwanan o ititigil panandali ang ginagawa, ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, titingin sa watawat, sabay buka ng bibig habang sinasabayan ang kumpas ni titser at pag-awit ng “Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan. Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay. Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting. Sa manlulupig, di ka pasisiil sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw, may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning, ang bituin at araw niya, kailan pa ma’y ʻdi magdidilim. Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta, buhay ay langit sa piling mo. Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa’yo.”
Hindi naman pala mahirap awitin kung saan kahit isang paslit na bata ay makaka-awit nito ng buong ningning. You don’t need to be a concert king or a balladeer to sing it, and sing it well. Ang kailangan lamang pala ay taglay ang dalisay na puso at malinis na pakay kapag aawit nito, tulad ng isang bata, at hindi upang ipagmalaki sa buong mundo na tayo ay magaling na mang-aawit. Ito ang tamang pag-awit ng Lupang Hinirang.
Ang pagdiriwang ng ating Kalayaan at ito’y sa Hunyo 12. Nawa’y sa pag-awit natin ng Lupang Hinirang bilang pagpupugay sa nakamit na kasarinlan, tiyaking tama ang lyrics ng ating awit at nasa tamang tono at bilis.