Friday, July 17, 2020
PANUKALANG RENEWAL NG PRANGKISA NG ABS-CBN MAAARI PANG BUHAYIN — MACALINTAL
Maaari pang mabuhay ang panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, sa pamamagitan ito ng paghahain ng mosyon na suspindihin muna ang rules ng House of Representatives.
Sa pamamagitan nito, maisasalang anya sa plenaryo ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN kung saan maririnig ang boses ng halos 300 kinatawan sa House of Representatives.
Base sa rules na nakalagay, suspension of the rules iyan ang isa sa pinakamataas na uri ng mosyon ng ibig sabihin na pupwedeng maghain ng motion to suspend the rules, ang ABS-CBN din ay may committee on rules para yan ay mabigyan ng consideration ng buong plenaryo, atleast pagbotohan nila sino ba ang pabor dyan o hindi, sino sa mga kinatawan natin ang bumobotong pabor o hindi kasi kaya nga yan ay house of the people,” ani Macalintal.
Ayon kay Macalintal, naiwan lamang sa kamay ng mahigit sa 80 kongresista ang buhay ng prangkisa ng ABS-CBN na 70 rito ang pumabor na huwag nang bigyan ng prangkisa, 11 ang tumutol samantalang may tatlo na hindi bumoto.
Pinuna ni Macalintal na kung mayroon mang paglabag sa batas ang mga may-ari ng ABS-CBN, hindi dapat nadamay ang buong korporasyon dahil libo-libong manggagawa ang naapektuhan.
Sa pamamagitan ng motion to suspend the rules makikita mo na dyan kung anong magiging posisyon ng mga kongresista in the event na iyan pala ay inihain sa plenary ng nasabing House of Representatives, hindi lamang yung 84 ang magdedesisyon kundi ang buong kapulungan na under the basic call na ay may pagkakasala nga pala ito ay ‘di dapat ang pagkakasala ay ginawa ng mga opisyales at hindi ng entire corporation,” ani Macalintal. — panayam mula sa Ratsada Balita.
Subscribe to:
Posts (Atom)