Saturday, January 20, 2007

Lalaki, lasog sa dump truck

Patay ang isang 40-anyos na  lalaki nang masagasaan at kaladkarin  ng may 15 metro ang layo ng isang dump truck habang ito’y pasuray-suray na tumawid sa lansangan kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Sabog ang bungo ng biktimang si Roberto Mozo, tubong Rosario, La Union at residente ng MB-1 Rm. 405, Pamayanan Diego Silang, BCDA, Brgy. Ususan sa naturang lungsod.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Pedro Sententa ng Taguig City Traffic Enforcement Unit, lasing ang biktima habang tumatawid sa kahabaan ng C5 Road sa harap ng Heritage Park dakong alas-2 ng madaling-araw at masagasaan ng Isuzu dump truck na may plakang XBC-371, na minamaneho ni Jenny De Guzman, 36, ng Brgy Rizal, San Guillermo, Isabela.

Galing umano ang dump truck na nakarehistro sa BSP & Co. Inc. sa Angono patungong Cavite nang maganap ang insidente.

Sumuko naman kaagad ang driver na si De Guzman at ikinatwiran na hindi niya namalayan ang pagtawid ng biktima kaya’t nakaladkad pa ng malayo ang nasawi bago niya naihinto ang minamanehong trak.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa laban kay De Guzman samantalang pananagutin naman sa kasong sibil ng pulisya ang may-ari ng naturang dump truck. (Lordeth Bonilla)

https://www.philstar.com/metro/2007/01/20/380910/lalaki-lasog-sa-dump-truck

No comments:

Post a Comment