Saturday, January 20, 2007

EDSA 2 tagumpay!

Lumiliit na ang mundo ni Pangulong Arroyo. Habang lumolobo ang bilang na taong nagtitipon sa EDSA Shrine para sa People Power 2 na naglalayong patalsikin ang Pangulo, ang pinakamataas na heneral niya na si Gen. Hermogenes Esperon, Jr. ay nagbitiw na sa tungkulin. Nagbitiw na rin si Defense Secretary Avelino Cruz, Jr.

Nauulit talaga ang EDSA I na nangyari noong 1986. Sa isang sorpresang hakbang, sumulpot sa EDSA rally sina Defense Secretary Avelino Cruz, Jr. at AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon. Sumunod ang iba pang opisyal ng militar at pulisya. Pati si DILG Secretary Ronaldo Puno ay tinalikdan na rin si Gloria.

Yes… bumaligtad na sila. Kumalas kay Arroyo upang sumuporta sa People Power 2.

Sabi ng iba, hindi magtatagumpay ang People Power revolution ngayon dahil walang suporta ng mga heneral. Ang pagkalas kay Gloria nina Cruz at Esperon at iba pa ay pahimakas ng nalalapit na pagtatapos ng rehimeng Arroyo. Isang rehimeng higit na tiwali at talamak sa katiwalian kung ihahambing sa paghahari ng diktador na si Marcos.

Kaya ang pagtalikod ni Esperon at iba pang mga Heneral at opisyal sa President ay isang malaking plus factor para makumbinsi ang Presidente na nawalan na siya ng kapangyarihan mamuno sa bansa.

Nagsimula ang pagdagsa ng taumbayan sa EDSA at Makati matapos pigilan ng 24-senador na lumilitis sa impeachment case laban sa Pangulo ang pagbubukas sa ikalawang envelope na nagtataglay ng mga ebidensiya laban sa Pangulo.

Halatang pinipigilan ng ilang tiwaling opisyal ang pagsingaw ng bulok ng Presidente.

Isang bagay ang napatunayan natin, hindi na panlalansi ang mamamayang Pilipino sa mga mapagsamantalang lider.

Napatunayan natin ang lakas ng tao at walang sino mang mauupong lider ang magtatagumpay sa kanilang buktot na hangarin.

https://www.philstar.com/opinyon/2001/01/20/120707/edsa-ii-tagumpay

No comments:

Post a Comment