Dennis Datu, ABS-CBN News
Gagawing isolation facility ang Monte Maria Shrine sa Batangas City na itinuturing na pinakamataas na statue ng Mama Mary sa buong mundo.
Ayon kay Batangas Provincial health Officer Dr. Rose Ozaeta, mismong ang pamunuan ng Monte Maria ang nag-alok sa provincial government na gawin itong isolation facility para matugunan ang kakapusan ng mga isolation facility sa lugar
Dagdag ni Ozaeta, punuan na ang mga isolation facility ng mga local government units, mga ospital at mga hotel.
May 17 palapag ang Monte Maria Shrine pero 3 floors muna ang gagawing isolation facility na kayang mag-accommodate ng higit 200 pasyente.
Pero puwede naman ma-expand hanggang sa ibang floors kung kakailanganin.
Ayon kay Dr. Ozaeta nasa 2,000 asymptomatic COVID-19 patients na naka-home quarantine ang kailangang mailipat sa isolation facility.
Mangangailangan ngayon ang Batangas provincial government ng mga doctor at nurse para sa Monte Maria isolation facility.
Nangako na rin umano ang DOH Calabarzon na magpapadala sila ng kanilang mga tauhan.
Hinihintay na lamang ang approval ng DOH Calabarzon para makapagsimula na ang Monte Maria bilang isolation facility.
Ayon kay Dr. Ozaeta, napakaganda na maging isolation facility ang Monte Maria dahil sa sariwa ang hangin, at ang mga nakaka-relax ang tanawin gaya ng dagat at ang Isla Verde at Mindoro Island.
Sa ngayon, nasa higit 4,000 pa ang COVID-19 active cases sa Batangas.
https://news.abs-cbn.com/news/04/30/21/monte-maria-shrine-sa-batangas-gagawing-isolation-facility
No comments:
Post a Comment