Friday, April 30, 2021

Mag-aaral na nasa online class habang nagtatrabaho sa construction, hinangaan

Nag-viral sa social media ang post ng isang college professor mula sa San Jose Del Monte, Bulacan tungkol sa kaniyang estudyante na nagtatrabaho sa construction site habang nasa virtual class.

 

“All my students are encouraged to open their cameras during our virtual class so that makita ko dapat kung anong ginagawa nila, kung nakikinig pa ba sila sa akin for my lecture,” ayon kay teacher Justin Veras.


Sa kuwento ni Veras sa TeleRadyo Biyernes ng umaga, sinabi niya na bago magsimula ang klase ay may katanungan siya sa mga mag-aaral at nasagot ito ng estudyanteng si “Rich”. Ang 23-anyos ay isa sa mga estudyante ng computer engineering program ng kanilang paaralan.


“After sumagot, sabi ko Mr. Dela Cruz please open your camera saka niya sinabi na Sir, pasensiya na nasa construction site ako,” sabi ni Veras.



Ayon kay Veras, batid niya ang hirap na dinaraanan ng estudyante na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho lalo na ngayong bagong sistema ng online learning.


“Nung sinilip ko 'yung mga students ko nakita ko na merong nagpapala, may hagdan tapos meron pa akong nakita sa kaniya na parang meron silang ginagawa related sa construction,” sabi ng guro.


Kinuhanan niya ito ng screenshot at ipinost sa Facebook para magbigay inspirasyon umano sa mga tulad ni “Rich” na working student.


“Ang intention ko is to inspire another student na kagaya mong nagtatrabaho at nagsusumikap para makamit 'yung pangarap,” sabi ng guro.


Pareho nilang hindi inasahan na mag-viral ang naturang post. Simula nang maibahagi ito sa Facebook, mayroon na itong higit 47,000 shares at lampas 128,000 reactions.


Marami rin aniya ang nanghingi ng kaniyang contact number para magpaabot ng tulong.


Sa parehong panayam, sinabi ni “Rich” na hindi niya inasahan na ang normal na bagay para sa kaniya ay makakapag-inspire ng maraming tao.


“Sir, salamat. Talagang di ko akalain na isa kayo sa unang na-inspire sa akin. Maraming salamat po dahil sa inyo may mga blessings na aking natatanggap. Sana pagpalain kayo ng Panginoon tulad ko,” sabi ni Rich.


Paliwanag ni Rich na matagal na niyang balak na maghanap ng trabaho para masuportahan ang pag-aaral lalo’t ayaw na niyang iasa pa ito sa kaniyang mga magulang.


“Nahihiya na rin ako sa magulang ko na umasa pa kaya gumawa ako ng paraan para makahanap ng trabaho at matulungan ko sarili ko,” sabi niya.


Ang stepfather niya umano ang tumulong sa kaniya na makahanap ng trabaho.


“Stepfather ko po ang medyo nagkakaroon ng kontrata sa electrical, sa plumbing sa mga malilit na bahay, doon po ako sa kanya pumasok tapos siya rin po ang nagturo sa akin na mag electrical at mag plumbing,” sabi niya.


Laking pasalamat ni Rich sa lahat ng mga na-inspire sa kaniyang pagsusumikap.

 

“Ang katuwiran ko 'pag may puhunan ka, may tutubuin ka, may interes ka po. Konting sakripisyo lang po ginagawa ko,” sabi niya.


Tumatanaw din ng pasasalamat si Rich sa mga patuloy na tumutulong sa kaniya.


Sa mga nais na magpaabot ng tulong kay Rich, maaring magpadala sa mga sumusunod na GCash No:


Justine Veras: 0907-051-5122

Rich: 09301000453 


https://news.abs-cbn.com/news/04/30/21/mag-aaral-na-nasa-online-class-habang-nagtatrabaho-sa-construction-hinangaan

No comments:

Post a Comment