Friday, April 30, 2021

Herd immunity maaaring 2022 pa kung maaantala ang COVID-19 vaccines: Duque

Aminado ang pinuno ng Department of Health (DOH) na posibleng umabot ng hanggang unang quarter ng 2022 bago maabot ng Pilipinas ang herd community kontra coronavirus disease (COVID-19), sa harap ng nararanasan umanong kakulangan ng bakuna. 


Sa loob kasi ng halos 2 buwang pagbabakuna na umarangkada noong Marso, halos 247,000 pa lang o wala pa sa isang porsiyento ng target na 70 milyong Pilipino ang nakakakumpleto ng required 2 doses ng COVID-19 vaccines. 


Samantala, higit 1.5 milyong Pinoy naman o mahigit 2 porsiyento ng target ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna. 


"Worst case scenario, siguro until about the first quarter of 2022… If the vaccines don’t come as expected. Kasi marami 'yan. We have Pfizer, they said it was gonna come through the COVAX February… Tomorrow May na tayo. Wala pa rin. Why? Talagang nako-corner ng mayayamang bansa ang kanilang bakuna. Sila ang gumagawa eh," ani Duque. 


Dagdag pa niya: "Ang layo pa n'ung biyahe ng bakunahan sa Pilipinas…. For obvious reasons. Hindi pa naman talaga sapat ang bakuna. Its not a funding problem. We have the money. With multilateral loan agreements." 


Nanawagan naman ang ilang grupo ng mga negosyante na pabilisin na ang kampanya para mabakunahan ang publiko kontra COVID-19. 


"The PCCI (Philippine Chamber of Commerce and Industry) together with the Philippine business community have consistently called for the speeding up of the procurement process and rollout of vaccines to ensure the safety of the citizenry, boosting of consumer confidence and for the recovery of our economy," ani PCCI President Benedicto Yujuico. 


"The sooner vaccination is carried out throughout the country, the sooner we can revive our economic confidence, rebuild businesses and further open up the economy," dagdag pa ni Dr. Henry Lim Bon Liong, President ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. 


Pero sa kabila ng kakulangan sa global supply ng COVID-19 vaccines, naniniwala si Galvez na puwede pa ring maabot ang target na makapagpabakuna ng 70 milyong Pinoy ngayong 2021 para makamit ang herd immunity - sa tulong ng pribadong sektor. 



"This year, our country is expecting the arrival of at least 148 million doses from 7 manufacturers in our vaccine portfolio," ani Galvez. 


Nakikipag-usap na ang bansa sa iba't ibang vaccine manufacturers at may mga hakbang na rin ang Department of Science and Technology tungo sa posibilidad na magkaroon ng kapasidad ang bansa na mag-manufacture ng sariling bakuna. 


Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, umalis na ang bakunang gawa ng Russia, ang Sputnik V ng Gamaleya, mula sa Moscow at inaasahang darating sa Pilipinas sa Sabado. 


Dalawang beses naudlot ang delivery ng bakuna sa Pilipinas na nakatakda sana nitong Abril dahil sa umano'y logistical issues. Higit 2 milyon pang Sputnik V vaccines ang inaasahang darating sa Mayo. 


Samantala, inaasahang darating ang 15,000 na bakuna ng Sputnik V sa bansa sa Sabado. 


-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/04/30/21/herd-immunity-2022-kung-maaantala-covid-19-vaccines-duque

No comments:

Post a Comment