Sinagip ng mga pulis ang 2 lalaking nagreklamo ng pagmamaltrato sa kanila ng amo sa isang subdivision sa BF Homes, ParaƱaque City Huwebes ng hapon.
Inaresto sa operasyon ang 49-anyos na negosyante, pati ang kanyang 47-anyos na asawa, 23-anyos na anak, at 24-anyos na family driver.
Ayon kay BF Homes Substation commander Police Maj. Melvin Florida Jr., tumakas mula sa bahay ang 37-anyos na biktima at nagsumbong sa guwardiya na sinasaktan sila ng kanilang amo.
Nang makarating ito sa mga pulis, pinuntahan nila ang bahay para i-rescue ang 22-anyos na kasama niya at arestuhin ang mga sangkot sa umano'y pagmamaltrato.
Nakitang may mga pasa at sugat sila sa ulo, leeg, at katawan.
Bukod sa trabahador sa kompanya ng amo, sabi ng pulis, nagsisilbi rin ang 2 sa mga gawaing-bahay bilang stay-in.
Kuwento ng mga biktima sa mga pulis, sinapak na sila ng amo at pinagtulungan din ng iba pang kasama sa bahay.
Ilan sa umano’y pang-aabuso sa kanila ay ang pamamalo ng martilyo, pagsakal ng sinturon, at pananakit ng cutter.
Pitong buwan nang namamasukan doon ang isa habang apat na buwan na roon ang kasama.
Ayon sa pulis, tinanggi ng mga suspek ang mga paratang.
Apat na araw bago ang rescue, inireklamo ng amo sa pulisya ang 2 kasambahay dahil sa pagnanakaw pero binawi rin agad.
Nakatakdang sumailalim ang 4 na inaresto sa inquest proceedings para sa mga kasong serious illegal detention with physical injuries.
https://news.abs-cbn.com/news/04/30/21/2-lalaking-kasambahay-minaltrato-paranaque
No comments:
Post a Comment