Tuesday, April 13, 2021

Lalaki patay matapos pagbabarilin sa harap ng bahay niya sa Cagayan

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pamamaril ng riding-in-tandem sa isang lalaki sa bayan ng Tuao, Cagayan, Linggo ng umaga.


Kinilala ang biktima na si Rico Callueng, 56, contractor at residente ng Barangay Fugu. 


Sa imbestigasyon ng mga pulis, nakaupo sa harap ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang 2 salarin at bigla na lang siya barilin. 


Agad tumakas ang mga suspek.


Nadala sa ospital ang biktima, pero idineklara siyang dead-on-arrival dahil sa tama ng bala sa dibdib. 


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 basyo ng bala ng kalibre .45 na baril. 


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng rinding-in-tandem at kung ano ang kanilang motibo sa pagpatay sa biktima. — Ulat ni Harris Julio


https://news.abs-cbn.com/news/04/13/21/lalaki-patay-matapos-pagbabarilin-sa-harap-ng-bahay-niya-sa-cagayan

No comments:

Post a Comment