Joyce Balancio, ABS-CBN News
Inihayag ulit ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kapangyarihan ang gobyerno para mag-take over sa mga hotel at motel para magamit ito bilang pasilidad para sa COVID-19 patients.
Ito'y matapos sabihin ni Health Sec. Francisco Duque na inatasan na nila ang mga opsital na magreserba na ng hotel rooms na maaaring paglagyan agad ng mga doktor at nurse na nagpositibo sa COVID-19.
“Government can expropriate 'yong mga hotels, motels, whatever kung kulang ang — ang mga halfway houses natin 'yong naghihintay. So we kind of have the power. The government has the power to just expropriate. Puntahan na lang at sabihin gagamitin,” ani Duterte nitong Lunes sa isang public briefing.
Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na, sa utos ni Duterte sa PhilHealth na bayaran na ang valid claims ng mga ospital, maitataas na ang health care capacity ng mga ospital.
Ani Galvez: “Iyong pagbayad po ng PhilHealth ng more or less P9.577 billion for NCR, Region IV, at saka Region III, ay nangako po sila na mage-expand po sila ng kanilang mga ICU beds. At nangako po sila na mage-expand sila ng 164 po na ICU beds at mago-open po sila ng mga additional wards and beds na humigit-kumulang po na 1,157 beds for moderate and severe case."
Sa tantiya niya umano, dapat nasa 2,000 ang ICU beds ng bansa para sa severe at critical cases, pero ngayon nasa 1,395 lang ito.
Tumutulong naman aniya ang mga LGU para makapagdagdag pa ng mga kama sa mga ospital.
Mungkahi ni Galvez: “At ito po ay nangako rin po sila na ‘yong mga city ng Quezon City, Taguig, Caloocan, Manila, Pasay, Valenzuela, San Juan, Navotas, ParaƱaque at Makati . . . Na magkakaroon po sila ng additional 30 ICU beds para sa ating mga critical patients. And also additional 1,350 regular COVID beds for moderate, mild and asymptomatic."
Inutos naman ni Duterte sa mga ahensya ng gobyerno na huwag magtipid kung ang paglalaanan ng pondo ay para sa COVID-19 response.
Handa aniya siyang suportahan ang anumang gagatusin ng gobyerno basta legal ito ay dumaan sa tamang proseso.
"Hindi ito panahon sa tipid. Ilarga mo lahat ‘yan kailangan ng tao. Maski hindi pa kailangan ilagay mo lang diyan tutal aabot rin ‘yan," ani Duterte.
Samantala, pinasisilip naman ng Pangulo kung maaaring dagdagan pa ang modular beds para makatulong sa pagiging punuan ng mga ospital.
No comments:
Post a Comment