Monday, April 12, 2021

Suspek sa tangkang pagpatay, arestado sa Cagayan matapos ang 9 na taong pagtatago

Dalawang wanted na suspek ang arestado sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Cagayan at Nueva Ecija ntong Lunes.


Arestado sa Cagayan ang isang lalaking 9 na taong nagtago mula sa batas.


Itinuturing na ika-6 na most wanted sa bayan ng Moncada sa Tarlac ang 50 anyos na suspek na naaresto sa Abulug, Cagayan. May kaso siyang frustrated murder.


Samantala, arestado rin sa San Isidro, Nueva Ecija ang ika-3 most wanted sa bayan.


Arestado ang 30 anyos na suspek sa kasong qualified theft.


- ulat ni Gracie Rutao


https://news.abs-cbn.com/news/04/12/21/suspek-sa-tangkang-pagpatay-arestado-sa-cagayan-matapos-ang-9-na-taong-pagtatago

No comments:

Post a Comment