Monday, April 12, 2021

500 years of Christianity: 100 tumanggap ng Kumpil sa Mandaue City

Nasa 100 tao ang nagpakumpil sa National Shrine of St. Joseph Parish sa Mandaue City ngayong Lunes, ang pangalawang araw ng triduum o ang tatlong araw ng paghahanda para sa ika-500 taon ng kauna-unahang binyag sa Cebu. 


Ang kumpil ay sakramentong nagtatalaga sa sinumang nabinyagan bilang kasapi ng simbahang Kristiyano.


Sa kaniyang homily, ipinaliwanag ni Archbishop John Du na sa sakramento ng kumpil, mapapalakas at mapapalaganap ang tatak ng Kristiyanismo, kaya hinikayat niya ang mga tumatanggap nito na maging mga misyonaryo.


May edad 12 hanggang 27 ang mga nagpakumpil, na galing sa 12 parokya sa Mandaue City at Cebu City.


Nitong Linggo, nasa 100 sanggol ang bininyagan sa Cebu bilang bahagi rin ng triduum.


Sa Abril 14 idaraos ang reenactment ng kauna-unahang binyag sa Cebu.


-- Ulat ni Vilma Andales


https://news.abs-cbn.com/news/04/12/21/500-years-of-christianity-100-tumanggap-ng-kumpil-sa-mandaue-city

No comments:

Post a Comment