Friday, January 19, 2007

Misis pumalag sa holdap, dinedo

Isang 53-anyos na ginang ang nasawi matapos na barilin ng isang holdaper nang magtangkang manlaban habang inaagaw ng huli ang kanyang bag kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Patay na nang idating sa Parañaque Community Hospital ang biktimang si Luzviminda Solis, nakatira sa Block 28, Lot 6, Queensrow Subdivision, Bacoor, Cavite, matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos isagawa ang naturang krimen.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Parañaque City Police, dakong alas-8:55 ng gabi sa kahabaan ng J. De Leon St., Brgy. San Dionisio ng nabanggit na lungsod habang nag-aabang ang ginang ng masasakyan pauwi ng kanilang bahay nang biglang lapitan ng suspect. Mabilis na inagaw ng suspect ang shoulder bag ng biktima ngunit pumalag ang huli kaya agad na bumunot ng isang kalibre ng baril ang una at walang sabi-sabing pinaputukan ito. (Lordeth Bonilla)

https://www.philstar.com/metro/2007/01/19/380751/misis-pumalag-sa-holdap-dinedo

No comments:

Post a Comment