Friday, January 19, 2007

Warrant handa na: 18,000 flying voters darakpin!

Nakatakdang arestuhin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga "flying voters" sa darating na eleksiyon sa Mayo matapos makakuha ng warrant of arrest ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga ito.

Ayon kay Chairman Benjamin Abalos, umaabot na sa 18,000 ang warrants of arrest laban sa mga napatunayang dalawang beses nagparehistro o flying voters.

Sinabi pa nito na kapag inaresto at napatunayang nagkasala sila ng pagdodobe ng rehistro ay bubunuin nila ang anim na buwang pagkakakulong at kinakailangan din humarap sila sa korte para sa kanselasyon ng kanilang double registration.

Nilinaw pa ni Abalos na ang Comelec ang tumatayong Anti-Flying Voters Task Force at nakatutok sila sa ngayon sa Metro Manila na kinokonsidera nilang "pugad" ng mga flying voters.

Lumalabas sa ulat ni task force chief Ferdinand Rafanan na mayroong 200,000 double registrants sa Metro Manila.

"Metro Manila has about 94,000 voters who registered more than once in 2004 and we expect that number to have doubled by now," ayon pa kay Rafanan.

Idinagdag pa ito na mayroong 5.6 million registered voters sa Metro Manila noong 2004 at dalawang porsiyento o tinatayang 100,000 sa darating na 2007 elections.

https://www.philstar.com/bansa/2007/01/19/380724/warrant-handa-na-18000-flying-voters-darakpin

No comments:

Post a Comment