Friday, January 19, 2007

Suspension ng local officials, wala sa timing – Mayor SB

Maging ang mga kaalyadong mayor ni Pangulong Arroyo ay umalma dahil sa serye ng sibakan at suspension, at ang mala-giyerang paglusob ng mga pulis sa kapitolyo ng Iloilo para puwersahin at sapilitang paalisin si Gov. Niel Tupas, Sr.

Ayon kay Quezon City Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte, wala sa timing at hindi napapanahon ang sunud-sunod na suspension order laban sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Belmonte, kahit na sinasabing legal ang pagpapatupad sa suspension order sa mga local executives, maaari naman itong daanin sa maayos na paraan, usapan at diplomasya.

Bunsod nito, sinabi ni Belmonte na para maiwasan ang anumang kaguluhan sa mga ganitong sitwasyon, magkakaroon ng isang pulong ang Metro Manila Mayors League dahil sa umano’y nakababahalang nagaganap na suspension order ng DILG sa mga local executives.

Bubuo anya ng mga kaukulang panlunas ang liga para maiwasan ang anumang mga kaguluhan kaugnay ng naturang hakbang. (Angie dela Cruz)

https://www.philstar.com/bansa/2007/01/19/380758/suspension-ng-local-officials-wala-sa-timing-150-mayor-sb

No comments:

Post a Comment