Tinatayang aabot sa 68 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang buy-bust operation sa Moab Street, Town at Country Homes Subdivision, sa DasmariƱas City, Cavite nitong Martes.
Sa ikinasang joint operation ng mga otoridad, naaresto ang 35-anyos na si alyas Badong.
Nakumpiska sa kanya ang 10 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 68 million pesos, 3 digital weighing scale at mga ID.
Batay sa report ng PNP, si alyas Badong ay miyembro umano ng isang drug syndicate na sangkot sa mga transaksyon na may kaugnayan sa iligal na droga sa Region 3, NCR at Mindanao.
Nahaharap si alyas Badong sa kasong palabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
https://news.abs-cbn.com/video/news/04/27/21/p68-m-halaga-ng-shabu-nasabat-sa-cavite
No comments:
Post a Comment