Ikalimang sunod na araw nang nakapagtatala ang India ng pinakamaraming bilang ng kaso ng nagpopositibo sa COVID-19.
Nitong Lunes, nasa higit 350,000 ang inulat na nagpositibo sa bansa.
Maladelubyo na ang eksena sa ilang ospital sa India kung saan nakapila ang mga pasyente sa ospital dahil sa dami ng nagpopositibo.
Tumatanggi na rin ang mga ospital na tumanggap ng mga pasyente. Ang iba, sa sasakyan at ambulansiya na lang binibigyan ng oxygen habang naghihintay ng kama.
Kalamidad kung ilarawan ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang sitwasyon sa bansa. Nanawagan rin siya sa mga kababayan na magpabakuna na.
Kasabay nito ay kumalat na rin sa India ang bagong B1617 variant na unang iniulat sa naturang bansa.
Pansamantalang isinara hanggang Mayo 3 ang embahada ng Pilipinas sa New Delhi dahil sa nararanasang surge sa bansa.
Ayon sa Department of Health, hindi pa nade-detect sa Pilipinas ang mas nakahahawang variant ng coronavirus mula India.
Hindi pa rin aniya magpapataw na travel ban ang Pilpinas sa mga biyahero mula India pero pinag-aaralan na ito.
"Pinag-aaralan ngayon ng [IATF] itong sinasabing Indian variant. Nagkaroon na rin tayo ng initial discussion with the Department of Foreign Affairs. They are just waiting for the recommendation of DOH together with our experts," ani DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire.
—Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
https://news.abs-cbn.com/news/04/26/21/travel-ban-india-pinag-aaralan-bagong-covid-19-variant
No comments:
Post a Comment