Friday, April 23, 2021

Criminology student timbog matapos makuhanan umano ng shabu sa Cotabato

Timbog ang isang criminology student matapos umano makuhanan ng hinihinalang shabu sa bayan ng Kabacan, Cotabato Huwebes ng madaling araw.


Ayon sa PDEA-Region 12, nakuhanan ang suspek ng 11 sachet ng naturang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P68,000 sa bahay niya sa Barangay Aringay.


Nakuha rin mula sa kaniya ang mga drug paraphernalia at improvised firearm, ayon sa PDEA.


Graduating student sa kursong BS Criminology umano ang suspek. 


Tumatanggap umano siya ng motorsiklo bilang pambayad o kapalit ng kaniyang ibinebentang droga.


Haharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang inarestong suspek. — Ulat ni Hernel Tocmo


https://news.abs-cbn.com/news/04/23/21/criminology-student-timbog-matapos-makuhanan-umano-ng-shabu-sa-cotabato

No comments:

Post a Comment