Sumulat na ang embahada ng Pilipinas sa administrasyon ni US President Joe Biden para makakuha ng sobra nilang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, partikular na hinihingi ng Pilipinas ang mga sobra nilang AstraZeneca vaccines.
“Ang hinihingi natin yung hindi nila inapprove na AstraZeneca. Sumulat na ako sa White House at sinagot naman ako at pinag-aaralan daw nila ngayon,” pahayag ni Romualdez.
Sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga, binanggit din ni Romualdez na hindi lamang Pilipinas ang nanghihingi ng bakuna sa America. Nasa higit 100 bansa aniya ang may matinding pangangailangan din sa bakuna.
“The good thing is medyo nauna na tayo from other countries. Malaki ang tulong ng Filipino Americans dito. Sila mismo sumulat sa White House at all of that has been acknowledged naman,” sabi niya.
Samantala, kasado na ang pagdating ng bakunang Moderna sa Pilipinas sa Hunyo 15.
“Kausap lang namin yung Moderna, they confirmed to us na magdedeliver sila pero maliit lang yung darating sa June something like 200,000 plus, tapos July about a million and then succeedingly until we complete the 20 million,” sabi niya.
Inaasahan din na darating sa Mayo o Hunyo ang supply naman ng bakunang Pfizer mula sa COVAX Facility.
- TeleRadyo 22 Abril 2021
No comments:
Post a Comment