Nanggagalaiti na ang maraming senador sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa walang habas at walang basehang red-tagging ng mga opsiyal nito.
Sa pinakahuling patutsada ni NTF-ELCAC spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade, inihambing niya si Maginhawa community pantry initiator Ana Patricia Non kay satanas.
Si Sen. Panfilo Lacson na nagtanggol sa P16.5 bilyong 2021 budget ng NTF-ELCAC para sa mga proyekto nito, tila nagsisisi dahil sa patuloy na pagpalpak ni Parlade.
"Sa susunod na budget hearing at plenary debates, hindi ko na alam kung nararapat pang irekomenda sa finance committee ang anumang pondo ng NTF-ELCAC," ani Lacson.
Si Sen. Grace Poe, pabor na tanggalan ng pondo ang ahensiya, na pangunahing layunin ang pagsugpo sa insurgency sa bansa, dahil hindi naman aniya nakikinig ang mga ito.
Pero si Sen. Franklin Drilon, nais na alisan na ng budget ngayon pa lang ang NTF-ELCAC at ilipat na lang ang pondo sa ibang ahensiya.
"The President should realign the NTF-ELCAC under the 2021 GAA now. Now na," sabi ni Drilon.
Si Sen. Joel Villanueva, maghahain ng resolusyon para imbestigahan kung saan napupunta ang budget ng NTF-ELCAC.
"They have been engaging in red-tagging, in witch-hunting na para pong 'wild, wild west' na eh. We should also review the leadership of the NTF-ELCAC," ani Villanueva.
Si Senate President Tito Sotto, pinasisibak na si Parlade at isa pang NTF-ELCAC spokesperson na si Lorraine Badoy.
Pero kung si Sen. Risa Hontiveros ang tatanungin, buwagin na lang ang NTF-ELCAC.
"Ang pinaka-fair sa lahat ay buwagin yung NTF-ELCAC at ibalik sa mga tamang departamento at ahensiya 'yung mga mandatong iyan," ani Hontiveros.
Depensa naman ni Parlade, hindi si Non ang tinawag niyang Satanas kundi ang umano'y ilang grupo na nananamantala sa inisyatibo.
"I never said that... In fact, I said I appreciate what Ana is doing. And nakita ng taumbayan na maganda 'yung ginagawa ni Ana. But what we are not telling the people is the organization, these other organizations who are even asking people to sign a blank document. Saan gagamitin 'yun, we don't know," ani Parlade.
—Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
https://news.abs-cbn.com/news/04/22/21/senador-gigil-red-tagging-ntf-elcac
No comments:
Post a Comment