Saturday, April 17, 2021

P1.2B halaga ng taklobo nakumpiska sa Palawan; 4 arestado

ROXAS, Palawan - Timbog ang apat na indibidwal na umanong ilegal na kumukuha ng taklobo sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Roxas, Palawan noong Biyernes.


Nakilala ang mga suspek na nahuli sa raid sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, na sina Rey Cuyos, Rodolfo Rabesa, Julius Molejoa at Erwin Miagao.


Kaugnay ito sa impormasyong nakarating sa awtoridad na may giant clam shells o mas kilala sa tawag na taklobo na itinatago sa lugar para ibenta.


Isinagawa ang operasyon sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Maritime Group Palawan, Armed Forces of the Philippines Intelligence Operatives at mga Bantay-Dagat sa Roxas.


Ayon sa Philippine Coast Guard, umabot sa 200 tonelada ng fossilized taklobo ang nakumpiska sa mga suspek na tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 bilyon. 


Sinabi ni Coast Guard District Palawan Commander, Commodore Genito Basilio, ito na ang pinakamalaking giant clam shells na nadiskubre sa lugar.


Mahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. 


Dinala na sila sa Palawan Council for Sustainable Development para sa inquest proceedings at pagsasampa sa kaukulang kaso. 


- TeleRadyo 17 Abril 2021


https://news.abs-cbn.com/video/news/04/17/21/p12b-halaga-ng-taklobo-nakumpiska-sa-palawan-4-arestado

No comments:

Post a Comment