Hinihikayat ng gobyerno ang mga lokal na kumpanya na mag-develop ng sariling mga bakuna sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa mga kompanyang ito.
“So sa DTI po, inumpisahan ho natin together with DOST at kasama ng ating ibang mga ahensiya, FDA, DOH, ang pakikipag-usap sa mga companies who can possibly start a commercializing and manufacturing of vaccines in the country para hindi tayo totally dependent sa pag-import ng vaccine," pahayag ni Lopez sa isang public briefing nitong Huwebes.
Pero paliwang niya, may kinakailangang suporta ang mga kumpanya.
Kabilang dito ang pagpapabilis sa pagproseso ng kanilang mga dokumento, at ang pagtitiyak na uunahin ng gobyerno na bilhin ang kanilang maipo-produce kaysa mag-angkat ng bakuna.
“Green lane on getting government permits. They will subscribe to all requirements and submit all the documents. Kailangan lang ma-prioritize para ho mapabilis ang proseso ng pagput up ng planta dito," ani Lopez.
"Second, of course, lahat po nang pumapasok dito may risk involved din lalo na kung papasok sila tapos ang gobyerno ay bibili rin abroad. So dito po ay ine-encourage po sana na may government procurement of locally produced vaccines, subject to standards, specs and prices."
Tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte, pabor siya sa mga kundisyon ng mga kompanyang ito at posible naman aniya ang mga ito.
“Itong government procurement of locally produced subject to standard specs and prices, madali lang man ito kung trabahuin mo ito. I don’t think it would take about one hour or trabahuin mo sa opisina," sabi ng Pangulo.
Matatandaang aminado ang gobyerno na isa sa mga dahilan kung bakit hirap ang pamahalaan na makakuha ng bakuna kontra COVID-19 ay dahil wala tayong kakayahan na makagawa ng sariling vaccine, at nakadepende lang tayo sa supply ng manufacturers sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment