Mahigit 1,000 na ang stranded na mga pasahero sa ilang mga pantalan sa Bicol Region at Visayas dahil sa bagyong Bising, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa pinakahuling bilang ng PCG, may 511 pasahero ang stranded sa eastern Visayas region. Hindi na rin kasi pinayagang pumalaot ang nasa may apat na barko at mahigit dalawang rolling cargo vessels dahil sa malalaking alon.
Pitong pantalan ang kabilang sa mga binabantayan ng PCG. Kasama na rito ang Ormoc Port, Isabel Port, Liloan Port, San Ricardo Port, Sta. Clara Port, Balwarteco Port, at Dapdap Port.
Sa Bicol Region, stranded naman ang 537, kabilang ang mga driver at pahinante ng mga rolling cargo vessel na patawid sana sa Allen, Northern Samar mula sa Matnog Port.
Ayon sa PCG, may pitong barko sa Bicol Region ang hindi na pumalaot habang 17 iba pa ang pansamantalang nagkubli na muna sa mas ligtas na lugar habang nananatiling masama ang lagay ng panahon.
- TeleRadyo 17 Abril 2021
No comments:
Post a Comment