Napilitang isarado ang Maginhawa community pantry sa Quezon City nitong Martes dahil sa red tagging at profiling laban sa organizers nito.
Napilitan si Ana Patricia Non na pansamantalang huwag munang buksan ang Maginhawa community pantry dahil nangangamba siya sa kaligtasan ng volunteers nila. Kabi-kabila kasi ang mga pag-atake at pag-uugnay sa kanila sa komunistang pakikibaka.
Kasama sa mga nangred-tag umano ang Quezon City Police District (QCPD) at ang National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Inaakusahan nilang may kaugnayan sa mga komunista at may politikal na motibo umano ang pamamahagi ng pagkain ng community pantries.
"Kung pagbigay ng pagkain lang ang tunay na pakay nyo, bakit may kailangang pang dugtong na patalsikin ang isang pangulong nahalal nang ayon sa ating Saligang Batas na suportado at pinagkakatiwalaan ng nakararami sa atin?" ani NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy.
Pero dahil hindi agad naikalat ang impormasyong sarado ang Maginhawa community pantry, bago pa magbukang-liwayway ay mahaba na ang pila ng mga tao.
May mga taong bumalik para kumuha ng pagkain at meron ding unang beses sumabak sa pila.
Bakas sa mukha ng mga tao ang lungkot at pangamba lalo't may ibang hindi alam kung saan kukuha ng ipapakain sa mga naghihintay nilang kapamilya.
"Hindi pa kami umuuwi kasi nagbabakasakali pa kami na baka maawa sila sa 'min, baka bigyan kami pangsaing kasi wala na kami isasaing mamaya," ani Virginia Vinluan.
Sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na iniimbestigahan na niya ang insidente at suportado niya ang mga community pantry na itinatayo sa lungsod.
KONDEMNASYON
Ilang personalidad naman ang nagpahayag ng pagkondena sa red tagging na ginawa sa community pantries.
"Is the government so threatened by the idea of people sharing what they have with the poor and hungry that it is now harassing and red-tagging community pantries? Kung sapat ang ayuda, wala sanang community pantries," sabi ni dating Vice President Jejomar Binay.
"We are deeply enraged and alarmed over reports of police intimidation and profiling of organizers of community pantries, which have sprouted in various areas in the absence of a comprehensive and sufficient cash aid program by the Duterte regime," sabi ng Gabriela party-list.
"Community pantries are Bayanihan in action and in spirit. Leave them be. Leave them alone. They are not violating any laws. Their Bayanihan is an expression of the sovereign will of the Filipino people. The organizers of and donors to community pantries are civic-minded, charitable, good samaritans," ani ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo.
"Why are you terrorizing those showing solidarity and concern for our poor people? Kasalanan na ba ang pagiging gutom dahil sa kapabayaan ng pamahalaan? Krimen na ba ang pagtulong sa mga nagugutom na mga kababayan natin?" tanong naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.
"Hindi na nga sila tumutulong pero namemerwisyo pa. Nangre-red tag pa. Sila po ang mapapahiya sa ating mga kababayan. Sila 'yung nakikitang walang tinutulong pero sila pa 'yung nakikitang naninira," ani Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis.
"It is thus concerning that this initiative, as well as the other community pantries that have followed, are under the threat of profiling and surveillance by local law enforcement authorities and are subject to red-tagging across various accounts in social media," sabi ni Commission on Human Rights spokesperson Jacqueline de Guia.
Matapos ang pagbatikos, humingi na ng paumanhin ang QCPD at sinabing handa silang makipagtulungan sa community pantries.
"The QCPD expresses sincere apology particularly to the affected party for the inconvenience that the inadvertent post could have caused and reassured of her safety and protection. We are now reaching out with the organizer/outlet manager as the QCPD is very much willing to support the noble cause especially in this time of pandemic."
Sa kabila ng isyu, patuloy pa rin ang paglaganap ng community pantries sa iba't ibang lugar sa bansa.
Sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi na dapat pinakikialaman pa ang mga organizer ng community pantry lalo't pagtulong naman ang layunin nito.
"A person voluntarily doing an act of kindness and compassion toward his neighbor should be left alone. It is not proper for law enforcement agents to interrogate him unless there is reason to believe that he is violating any law, ordinance, rule or regulation for the good or welfare of the community," ani Guevarra.
—Ulat nina Jervis Manahan at Mike Navallo, ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment