Tuesday, April 20, 2021

2 arestado sa pagbibigay ng swab test kahit di lisensiyado

 Dalawa ang inaresto ng National Bureau of Investigation dahil sa pagsasagawa ng home service na RT-PCR tests kahit sila hindi lisensiyado.


Nagkasa ng operasyon ang NBI matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang pamilyang nagpa-test sa mga suspek. Nagduda raw kasi sila sa paraan ng pagsa-swab at wala ring ibinigay na resibo.


Nahuli ang mga suspek ng mga NBI agent na nagpanggap na magpapa-home service na swab test para sa halagang P3,500 kada test.


Inamin ng isa sa mga suspek na hindi siya lisensiyadong nurse, doktor o medical technologist para mag-swab. Ginawa lang umano niya ito dahil nangangailangan ng pera.


Ayon din sa Department of Health, hindi accredited ang mga suspek para magsagawa ng RT-PCR test.


Lumabas din sa imbestigasyon ng NBI na hindi konektado ang 2 sa laboratoryong idineklara nila.


Kinasuhan ang mga suspek ng estafa at falsification of private documents.


-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/04/20/21/2-arestado-swab-test-di-lisensiyado

No comments:

Post a Comment