Sunday, April 25, 2021

Mga kaso COVID-19 sa Pilipinas halos 1 milyon na

Halos 1 milyon na ang kabuuang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 sa Pilipinas.


Nakapagtala ngayong Linggo ang Department of Health (DOH) ng 8,162 na dagdag na kaso ng COVID-19, dahilan para umakyat sa 997,523 ang kabuuang bilang.


Sa datos ng ABS-CBN Data Analytics, April 15 nang maabot ng Pilipinas ang 900,000 mark at posibleng sa Lunes ay maabot na ang 1 milyon, lalo't mataas pa rin ang daily reported cases sa bansa.


Iniulat din ng DOH ang 20,509 bagong gumaling sa sakit para sa 903,665 total recoveries habang pumalo naman sa 16,783 ang death toll dahil sa 109 dagdag na namatay umano sa sakit.


Dahil sa mga gumaling at namatay, 77,075 ang active cases ng bansa, base sa datos ng kagawaran.


Sa buong mundo, 146.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19, kung saan higit 3 milyon ang namatay, ayon sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.


Sa India, na nakararanas ngayon ng matinding krisis dahil sa COVID-19 surge, gumamit na ng mga tren at military plane ang pamahalaan para mabilis na maihatid ang mga oxygen supply sa mga medical facility.


Nagpadala na rin ang air force sa ibang mga karatig-bansa para makakuha ng supply ng oxygen.


Marami sa mga namatay sa COVID-19 sa India kamakailan ay dahil sa kawalan ng oxygen.


Tinawag ng Delhi high court na "tsunami of disease" ang nangyayari ngayon sa India, kung saan 3 araw nang sunod-sunod na nakapagtala ng record high ng nagpo-positibo sa sakit.


https://news.abs-cbn.com/news/04/25/21/mga-kaso-covid-19-sa-pilipinas-halos-1-milyon-na

No comments:

Post a Comment