Thursday, December 1, 2016

Mga awit

“Purihin ang Panginoon”

Koro:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Sa ating pagkabagabag,
Sa Diyos tayo'y tumawag.
Sa ating mga kaaway,
Tayo ay Kanyang iniligtas!
(KORO)

Ang pasaning mabigat,
Sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan
Ng Diyos na Tagapagligtas!
(koro)

Kaya Panginoon ay dinggin;
Ang landas n’ya’y tahakin.
habang-buhay ay purihin
kagandahang-loob n’ya sa atin.
(koro)

Koda:
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

“Purihin ang Panginoon (El Shaddai)”

Koro:
Purihin ang panginoon
si Kristo ay narito na
Tanging Lakas at pag-asa
Aleluia-a-aleluya!

Purihin ang Panginoon
Pagdiriwang sa pagdating niya
Nagagalak ang ating espiritu
Si Kristo ay narito na
Alitan ay iwasan na
Tayo ay tutulungan niya
(koro)

Tanging lakas at pag-asa
Naririto sa tuwina
Nakahandang tulungan ka.
Alelu-aleluya lagi na siya ang kasama
Sa hirap man at ginhawa.
(koro)

Koda:
Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uuya
Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uuya
Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uuya
Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uya, Alelu-uuya....

Aleluya!

"Panginoon, maawa ka"

Panginoon, maawa ka (2x)
Kristo (2x) maawa ka
Panginoon, maawa ka
Kristo, maawa ka
Panginoon, maawa ka

“Papuri sa Diyos”

Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan

At sa lupa'y kapayapaan (2x)
Sa mga taong kinalulugdan N'ya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan

Panginoong Diyos hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak
Panginoong Diyos Kordero ng Diyos
Anak ng Ama

Papuri sa Diyos (2x)
Papuri sa Diyos sa kaitaasan

Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka (2x) sa amin
lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan (2x)
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama maawa Ka (2x) sa amin

Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan

Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataastaasan
Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen (2x)

Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan

“Ang Kaluluwa Ko'y Nau-uhaw”

katulad ng lupang tigang
walang tubig, a-ko’y nauuhaw
o, D’yos hangad kitang tunay
sa iyo ako’y nauuhaw.

kaya ika’y minamasdan
doon sa iyong dala-nginan
nang makita kong lubusan lakas mo at kaluwalhatian

KORO:
ang kaluluwa ko’y nauuhaw
sa iyo, o, Panginoon ko
ang kaluluwa ko’y nauuhaw
sa iyo, o, Panginoon ko.

ang kagandahang-loob mo
ay higit sa buhay sa mundo
kaya ako’y nagpupuri
ngalan mo’y aking sasambitin.

“Aleluya”

Aleluya! Aleluya! Ikaw Panginoon Ang S'yang daan,
ang buhay at ang katotohanan Aleluya!

o

Aleluya, aleluya kami ay gawin Mong daan
ng iyong pag-ibig, kapayapaan at katarungan, Aleluya.

O
Alleluia, Alleluia, Wikain Mo Poon nakikinig ako
Sa Iyong mga Salita Alleluia, Alleluiaa

O

Alelu, Alelu, Aleluya, Alelu, Alelu, Aleluya
Purihin ang Diyos, Aleluya.

“Munting Alay”

Paghahanda ng alay ay narito poon
ang alak at tinapay dala sa altar
mo anyo’y magiging tunay Dugo
mo’t katawan Aming tatanggapin
ngayon magbibigay buhay.

Paghahanda ng alay ngayon at
sisimlan ang alak at tinapay ay
bebendisyonan anyo’y
magigingtunay Dugo mo’t katawan
ito’y aming tatanggapin
sa pakikinabang

Santo, Santo
Santo, santo, santo
Panginoong D’yos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa
Ng kaluwalhatian Mo
Osana, osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon
Osana, osana sa kaitaasan

“Pagbubunyi ng Misteryo ng Pananampalataya”

Si Kristo ay namatay,
si Kristo ay nabuhay,
si Kristo ay babalik
sa wakas ng panahon.
Si Kristo ay babalik
Sa wakas ng panahon

O

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa S’ya’y dumating
Hanggang sa S’ya’y dumating

O

Sa krus Mo at pagkabuhay,
kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal,
iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal,
ngayon at magpakailanman!

“Ama Namin / Sapagkat sa’yo ang kaharian”

Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

“Kaibigan, Kapanalig”

1. Ang atas Ko sa inyo mga kaibigan Ko ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo. May hihigit pa kayang dakila sa pag-ibig na laang ialay ang buhay alang-alang sa kaibigan. Kayo nga’y kaibigan Ko kung matutupad ninyo ang iniaatas Ko.

2. Kayo’y di na alipin kundi kaibigan Ko. Lahat ng mula sa Ama’y nalahad Ko na sa inyo. Kayo’y hinirang Ko di Ako ang hinirang n’yo. Loob Kong humayo kayo at magbunga ng ibayo. Ito nga ang s’yang utos Ko na bilin Ko sa inyo: Magmahalan kayo! Magmahalan kayo!

“Pag-ibig mo, ama”

Ang liwanag Mo ang sumindak sa dilim
Buong kalangitan nagsaya’t nagningning
Kumislap, umindak ang mga bituin
Nalikha ang lahat ng mga lupain
Pag-ibig Mo, Ama ay hatid Mo sa amin
Malaya’t matindi, hindi nagmamaliw

Dinilig sa tuwa ang buong nilikha
Pinuno ng aliw ang aba at ang dukha
Ng pagmamahal, binigay Mong sadyang
Matupad sa gawa ang ‘Yong salita

Ang liwanag Mo ang sumindak sa dilim
Buong kalangitan nagsaya’t nagningning
Kumislap, umindak ang mga bituin
Nalikha ang lahat ng mga lupain
Pag-ibig Mo, Ama ay hatid Mo sa amin
Malaya’t matindi, hindi nagmamaliw.  Amen

"Magpasalamat kayo sa Panginoon"
(Fr. Fruto Ramirez, SJ)

Magpasalamat kayo sa Panginoon
Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo
Siya’y gumawa ng buwan at mga bitwin
Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim

Koro:
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa
O ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin

Magpasalamat kayo sa Panginoon
Dahil sa kagandahang loob niya’y magpakailanman
At pagpalain ng Diyos habang buhay
Na siyang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel

"Mapapalad"

Mapapalad kayong mahihirap
Ang kaharian ng Diyos sa inyo
Mapapalad kayong nagugutom
Sapagkat bubusugin kayo
Mapapalad kayong nahahapis
Sapagkat aaliwin kayo
Mapapalad Panginoon ang mga katulad mo

II
Mapapalad kayong maawain
Kaaawaan kayo ng Diyos
Mapapalad kayong tumatangis
Sapagkat liligaya kayo
Mapapalad kayong inuusig
Maghahari ang Diyos sa inyo

Mapapalad Panginoon ang mga katulad mo (2x)

"Hindi kita malilimutan"

Hindi kita malilimutan
Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman
Sa king palad ang yong pangalan

Verse:
Malilimutan ba ang ina
Ang anak na galing sa kana
Sanggol sa kanyang sinapupunan,
Paano Niya matatalikdan . . .
Ngunit kahit na malilimutan
Ng ina ang anak niyang tangan . . .

Chorus:
Hindi kita malilimutan
Kailanma’y di pabababyaan
Hindi kita malilimutan
Kailnmay di pababayaan . . .

“Pananagutan”

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang

Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninuman
Tayo’y nagdadala ng balita ng kaligtasan (Koro)

Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa
Tayo’y itinuring ng Panginoon bilang mga anak (Koro)

“Purihi't pasalamatan”

koro:
Purihi’t pasalamatan sa masayang awit.
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng Pag-ibig.

sa’yo ama, salamat, sa mayamang lupa’t dagat.
at sa magandang kalikasan at sa aking tanang buhay. (koro)

salamat din kay Kristo. sa kanyang halimbawa.
at sa buhay n’yang inialay sa ating kaligtasan. (koro)

at sa Espiritu Santo, salamat sa ’yong tanglaw.
na nagbibigay ng liwanag sa taong humahanap. (koro)

"Paghahandog ng sarili (Kunin mo, o Diyos)"

Kunin Mo, O Diyos, at tanggapin Mo
Ang aking kalayaan, ang aking kalooban
Ang isip at gunita ko, lahat ng hawak ko,
Ng loob ko, Lahat ay aking alay sa 'Yo

Nagmula sa 'Yo ang lahat ng ito
Muli kong handog sa 'Yo
Patnubayan Mo't paghariang lahat
Ayon sa kalooban Mo

Mag utos Ka, Panginoon ko
Dagling tatalima ako
Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo
At lahat ay tatalikdan ko

"Panalangin maging bukas palad"

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo
Na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawaan
at di naghihintay kundi ang aking mabatid na ang loob Mo'y siyang sinusundan.

Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo.

"Pag-aalay ng puso" (Joe Nero, Nemy Que SJ)

Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito
Kaya anuman ang mabuting maaring gawin ko ngayon

O anumang kabutihan ang maari kong ipadama
Itulot Ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito

Nawa’y h’wag ko ‘tong ipagpaliban
O ipag walang bahala
Sapagka’t di na‘ko muling daraan
Sa ganitong landas  (Repeat Last Verse)

"Sa'yo lamang"

Puso ko'y binihag Mo, sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay; ako'y lyo habang buhay.
Anhin pa ang kayamanan, luho at karangalan?
Kung Ika'y mapasa'kin, lahat na nga ay kakamtin.

Refrain:
Sa 'Yo lamang ang puso ko;
Sa 'Yo lamang ang buhay ko.
Kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa.

Tangan kong kalooban, sa Iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo, tumalima lamang sa 'Yo. (refrain)

"Tanging yaman"

Koro:
Ikaw ang aking Tanging Yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

Ika'y hanap sa tuwina
Nitong, pusong Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa'yo sinta (Koro)

Ika'y hanap sa t'wina
Sa kapwa ko Ika'y laging nadarama
Sa iyong mga likha
Hangad pa ring masdan
Ang'yong mukha (Koro)

Koda:
Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan

"Paghahandog"

Ang himig Mo ang awit ko
Lahat ng ito'y nagmula sa Iyo
Muling ihahandog sa Iyo
Buong puso kong inaalay sa 'Yo

O Diyos, O Panginoon
Lahat ng biyayang aming inampon
Aming buhay at kakayahan
Ito'y para lamang sa 'Yong kalwalhatian

Ang tanging ninanais ko
Ay matamo lamang ang pag-ibig Mo
Lahat ay iiwanan ko
Wala nang kailangan, sapat na ito

O Diyos, O Panginoon
Lahat ng biyayang aming inampon
Aming buhay at kakayahan
Ito'y para lamang sa 'Yong kalwalhatian

"Narito ako"

Koro: Panginoon, narito ako
Naghihintay sa utos Mo
Lahat ng yaman ko, ay alay ko sa 'Yo
Ikaw ang tanging buhay ko

Batid ko nga, at natanto
Sa kasulatan 'Yong turo
Pakikinggan, at itatago
Sa sulok ng puso

(Koro)

'Yong pagligtas, ihahayag
Hanggang sa dulo ng dagat
Pagtulong Mo't pusong dalisay
Aking ikakalat

(Koro)

"Manantili ka"

Manatili ka kahit sandali
Hihilumin Ko ang iyong hapdi
Bakit lagi nang nagmamadali
Di malilisan ang 'yong pighati

Isaysay sa 'Kin lahat mong pait
Yayakapin Ko lahat mong sakit
Manahimik na't mata'y ipikit
Bubulungan ka ng 'sang oyayi

Kailan titigilan ang 'yong katatakbo
Kailan pipigilan pagpasan mo sa mundo

Manatili ka kahit sandali
Buuin muli ang 'yong sarili
Magtiwala ka't tayo'y magwawagi
Ang pulang ulap ay mahahawi

"Kahanga-hanga"

Music by: Eduardo Hontiveros, SJ
Lyrics by: Redentor Corpuz, Eduardo Hontiveros, SJ

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan
O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan

Ipinagbubunyi 'Yong pangalan
Ng mga ibong lumilipad
Pinahahayag ng kabundukan
Ikaw ang Poon ng lahat

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan
O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan

Sa dahong hinihipan ng simoy
Tinig Mo'y mapakikinggan
Sa ulan na biyaya ng langit
Kabutihan Mo'y makakamtan

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan
O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan

"Isang pananampalataya" (Avelino Santos - Eddie Hontiveros, SJ)

Koro:
Isang pananampalataya, isang pagbibinyag
Isang Panginoon, angkinin nating lahat

Habilin ni Hesus noong Siya'y lumisan
Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan (Koro)

Ama pakinggan mo ang aming panalangin
Dalisay na pagibig sa ami'y lumapit (Koro)

Mga alagad ko paano makikilala?
Tapat nilang pag-ibig sa amin ay humapit (Koro)

Kaya nga, O ama, sana'y iyong hawian
ang aming mga puso ng mga alitan (Koro)

Tingin kanyang dugo sa ating iligwak
Ngayon ay sundan natin kanyang mga yapak (Koro)

"Ang puso ko'y nagpupuri"

Koro:
ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI
NAGPUPURI SA PANGINOON
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU
SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.

SAPAGKAT NILINGAP N’YA KABABAAN NG KANYANG ALIPIN
MAPALAD ANG PANGALAN KO SA LAHAT NG MGA BANSA. (Koro)

SAPAGKAT GUMAWA ANG POON NG MGA DAKILANG BAGAY / BANAL SA LUPA’T LANGIT ANG PANGALAN NG PANGINOON. (Koro)

AT KINAHAHABAGAN N’YA ANG MGA SA KANYA’Y MAY TAKOT / AT SA LAHAT NG SALINLAHI ANG AWA NYA’Y WALANG HANGGAN. (Koro)

AT IPINAKITA N’YA ANG LAKAS NG KANYANG BISIG / AT ANG MGA PALALO’Y PINANGALAT NG PANGINOON. (Koro)

IBINULID SA UPUAN ANG MGA MAKAPANGYARIHAN / ITINAMPOK, ITINAAS ANG MGA MABABABANG-LOOB. (Koro)

AT KANYA NAMANG BINUSOG ANG MGA NANGAGUGUTOM / PINAALIS, WALANG DALA ANG MAYAMANG MAPAGMATAAS.

INAMPON N’YA ANG ISRAEL NA KANYANG ALIPING HINIRANG
SA DAKILA N’YANG PAGMAMAHAL
AT DALA NG LAKING AWA N’YA.

AYON SA IPINANGAKO N’YA
SA ATING MGA MAGULANG
KAY ABRAHAM AT LIPI N’YA
AT ITO’Y MAGPAKAILANMAN.

LUWALHATI SA AMA, SA ANAK, AT SA ‘SPIRITU SANTO / KAPARA NOONG UNANG-UNA, NGAYON AT MAGPAKAILANMAN.  (Koro)

KODA:
NAGAGALAK ANG AKING ESPIRITU
SA ‘KING TAGAPAGLIGTAS.

“Ang tanging alay ko” (Raymund Remo)

Salamat sa iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako’y inibig mo
At inangking lubos

Coro:
Ang tanging alay ko sa’yo aking Ama
Ay buong buhay ko puso’t kaluluwa
Di makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas ni gintong sinukob

Ang tanging dalangin O Dios ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang Ama wala ng iba pa
Aking hinihiling

Di ko akalain
Na ako’y binigyan mong pansin
Ang taong tulad ko’y
Di dapat mahalin

Repeat Coro

Aking hinihintay
Ang iyong pagbabalik Hesus
Ang makapiling ka’y
Kagalakang lubos

Repeat Coro

"Hesus" (Andrei Dionisio)

Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong itinataglay
Kung kailangan mo ng karamay
Tumawag ka at siya'y naghihintay

Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla
Laging takot at laging alaala
Tanging kay Hesus makakaasa
Kaligtasa'y lubos na ligaya

Siya ang dapat tanggapin
At kilalanin sa buhay mo
Siya noon bukas ngayon
Ang sa dalangin ko'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya't ang lagi mong pagkakatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
Pagibig na tunay

Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali (2x)

Siya ang dapat tanggapin
At kilalanin sa buhay mo
Siya noon bukas ngayon
Ang sa dalangin ko'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Siya ay si Hesus sa habang panahon

"Pag-aalaala" (Fr. Manoling V. Francisco, S.J.)

Koro:
Bayan muling magtipon,
awitan ang Panginoon,
sa piging sariwain
pagliligtas N’ya sa atin.

Bayan ating alalahanin
panahong tayo’y inalipin
nang Ngalan N’ya’y ating sambitin
paanong di tayo lingapin! (koro)

Bayan, walang sawang purihin
ang poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili niya'y ating awitin (koro)

Koda:
Sa piging sariwain
pagliligtas N’ya sa atin.

"Sa piging ng ating Panginoon"

sa piging ng ating Panginoon
tayo’y laging natitipon
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na nakamtan.

buhay ay inialay niya
sa dakilang Diyos Ama
upang atin ng makam-tan
buhay na walang hanggan. (koro)

buhay ay inialay niya
upang tayo’y magkaisa
sa paghahatid ng ligaya
mula sa pag-ibig niya. (koro)

may galak na makakamtan
sa bawat pagbibigayan
habang buhay ay ingatan
ang tapat na samahan. (koro)

dinggin aming dalangin
sa iyo poong mahal
ang lihim ng ‘yong pag-ibig
sana’y aming makamtan. (koro)

Koda:
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na nakamtan.

“SINO AKO”

Koda:
upang matutong magmahalan
sa pag-ibig na nakamtan.

Hiram sa Diyos ang aking buhay
Ikaw at ako'y tanging handog lamang
Di ko ninais na ako'y isilang
Ngunit salamat, dahil may buhay

Ligaya ko nang ako'y isilang
Pagkat tao ay mayroong dangal
Sino'ng may pag-ibig, sino'ng nagmamahal
Kundi ang taong Diyos ang pingmulan
Kundi ako umibig
Kundi ko man bigyang halaga

Ang buhay kong handog
Ang buhay kong hiram sa Diyos
Kundi ako nagmamahal, sino ako?

"O Hesus, Hilumin Mo"

O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo

Hapis at pait Iyong patamisin
At hagkan ang sakit
Nang magningas ang rikit (KORO)

Aking sugatang diwa't katawan
Ay gawing daan
Ng 'Yong kaligtasan (KORO)

"Silayan"

Silayan at bigyan ng pag-asa
pagmamahal pusong nagdurusa
iwasan ang pag-aalinlangan
lahat ng araw kita'y mamahalin Sa labi ng imbing kamatayan
itangi yaring pagmamahal
tulutan magtapat sayo hirang
lahat ng araw kitay' mamahalin

"Tambuli ng Panginoon" (Bienvenida Tabuena)

Tambuli ng Panginoon
lagi nating pakinggan.
Sinuman at saan man,
lahat tayo’y magmahalan.

Lahat tayo ngayon ay maligaya
sa pagpupuri sa ating Ama.
Tinanggap nati’y buhay
at pagmamahal na sa puso’y bubukal. (Koro)

Sa paglalakbay kahit saan man,
ang bawat kapwa ay kaibigan.
Pag-ibig at buhay ng Poong Maykapal
sa lahat ipamigay. (Koro)

Ang kaunlaran ng ating bayan,
pag nagbayanihan makakamtan,
ang kapaya-paan ay hatid
sa tanan ng ating Panginoon. (Koro)

"Aba, Ginoong Maria"

Aba Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang iyong anak na si Hesus

Sta. Maria Ina ng Diyos
Ipananalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

“PAG-IBIG MO”

Pag-ibig mo, ay ialay mo sa D’yos.
Ang puso mo, ay i-handog mong lubos,
Pagka’t Siya ang lumikha ng ating buhay.
Ang lahat ng Kanyang linalang nagpapatunay.

Pag-ibig mo, Ibigay mo sa kap’wa
Lalong-lalo na sa manga maralita
Sa langit may naghihintay ng pagpapala sa buhay
Mong may magandang Nagagawa kaya pag-ibig mo
Ibigay mo sa kap’wa.

Pag-ibig mo, ay ialay mo sa D’yos.
Ang puso mo, ay i-handog mong lubos,
Pagka’t Siya ang lumikha ng ating buhay.
Ang lahat ng Kanyang linalang nagpapatunay.

Pag-ibig mo, Ibigay mo sa kap’wa
Lalong-lalo na sa manga maralita
Sa langit may naghihintay ng pagpapala sa buhay
Mong may magandang Nagagawa kaya pag-ibig mo
Ay ialay mo sa D’yos.

“PAGMAMAHAL SA PANGINOON”

Koro:
Pagmamahal sa Panginoon, Ay simula ng karunungan
Ang kanyang kapuriha’y, Manatili magpakailanman
Purihin ang Panginoon, Siya’y ating pasalamatan;
Sa pagsasama at pagtitipon ng Kanyang mga anak (Koro)

Dakilang gawain ng D’yos, karapat-dapat pag-aralan
Ng tanang mga taong sumasamba sa Kanya (Koro)

Kahanga-hanga ang gawa ng D’yos, ng kaluwalhatian
Handog ay kaligtasan, sa atin ‘binibigay (Koro)

PANANALIG

Sa Puso kong umiibig, walang nananaig
Kungdi yaong pananalig sa sintang iniibig. (Koro)

Koro:
Hindi ka man, masilayan. At init mo’y maglaho ng tuluyan
Pag-ibig ko sa ‘yo, at katapatan. Mananatili kailan pa man.

Bawat tao’y nalulumbay, at ‘di mapalagay.
Hangga’t hindi nahihimlay, sa puso mong dalisay. (Koro)

"PAPURI"

Itaas na ang mga mata sa Panginoong lumikha
Ng mga lupa at tala, ng gabi at umaga. (Koro)

Koro:
Itaas na sa Kanya mga himig at kanta.
Tula't damdamin, mga awitin, lahat na ay ialay sa Kanya.
Kalikasa'y nangagpupugay, may mga huni pang sumasabay.
Pagpupuri ang nadarama sa Diyos na'ting Ama. (Koro)

Coda: Isigaw sa iba, ang papuri sa Diyos Ama
Lahat ng lugod at lahat ng saya’y ialay sa Kanya (repeat verse 1)
Itaas na sa Kanya mga himig at kanta.
Tula't damdamin, mga awitin, lahat na ay ialay sa Kanya - a - a.
Ialay sa Kanya.

MAGSIAWIT KAYO SA PANGINOON

Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon, alleluia
Magsiawit sa Panginoon.
Purihin, purihin ang kanyang pangalan
Ipahayag, ipahayag ang dulot niyang Kaligtasan. (Koro)
Kayong mga angkan maghandog sa Poon
Luwalhati at papuri Ialay sa Panginoon. (Koro)
Dakila ang Poon dapat na purihin
Siyang nagbigay, siyang nagbigay Ng buhay sa ating lahat.

Koro 2:
Magsiawit kayo sa Panginoon, alleluia
Magsiawit, magsiawit
Magsiawit sa Panginoon …. Sa Panginoon.

BUKSAN ANG AMING PUSO

Buksan ang aming puso, Turuan Mong mag-alab;
Sa bawat pagkukuro, Lahat ay makayakap.

Koro:
Buksan ang aming isip, Sikatan ng liwanag;
Nang kusang matangkilik, Tungkuling nabanaag.
Buksan ang aming palad, Sarili’y maialay;
Tulungan Mong ihanap, Kami ng bagong malay.

SINONG MAKAPAGHIHIWALAY

Koro:
Sino’ng makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo?
Sino’ng makapaghihiwalay sa atin Sa pag-ibig ng D’yos?
Paghihirap ba, kapighatian, Pag-uusig o gutom o tabak?
At kahit na ang kamatayan, Walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng D’yos. (Koro)
Ang Ama kayang mapagtangkilik, O Anak na nag-aalay ng lahat;
Saan man sa langit o lupa, Walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng D’yos. (Koro)
Kung ang Diyos ay nasa panig natin, Ano pa ang ating pangamba?
Walang anumang kapangyarihan ang makapaghihiwalay sa atin

PANUNUMPA

Ikaw lamang ang pangakong mahalin
sa sumpang sa ‘yo magpakailan pa man.
Yakapin Mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang
alay at mapapawi ang takot sa ‘kin pangakong walang hanggan.
Ikaw lamang ang pangakong susundin,
sa takbo sakdal, liwanagan ang daan.
Yakapin Mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang
alay at mapapawi ang takot sa ‘kin pangakong walang hanggan.
Ikaw ang siyang pag-ibig ko. Asahan mo ang katapatan ko.
Kahit ang puso ko’y nalulumbay, mananatiling ikaw pa rin.
Ikaw lamang ang pangakong mahalin
sa sumpang sa ‘yo magpakailan pa man.
Yakapin Mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang
alay at mapapawi ang takot sa ‘kin pangakong walang hanggan.
At mapapawi ang takot sa ‘kin ‘pagkat taglay lakas Mong angkin.

SIYA

Buhay ko’y may kaguluhan ang landas walang patutunguhan.
Kaibigan, ano kaya ang kahahantungan?
Ngunit salamat ako’y natagpuan binigyan N’ya ng kapayapaan.
Tanging kay Hesus, mayro’ng tagumpay. (Koro)
Koro:
Siya ang aking patnubay, Siya ang aking gabay.
Siya sa aki’y nagbigay buhay.
Si Hesus ang katotohanan, si Hesus ang daan.
Siya ang tanging Panginoon, magpakailan pa man.
At ngayon sa aking buhay sa tuwina Siya’y nagbabantay.
Ang pag-ibig Niya’y tunay na walang kapantay.
Hinding-hindi na ako mangangamba si Hesus laging kasama.
Siya ay akin at ako’y sa Kanya. (Koro)

DAKILANG PAG-IBIG

Koro:
Dakilang pag-ibig, saan man manahan,
D'yos ay naroon, walang alinlangan.
Tinipon tayo sa pagmamahal ng ating Poong si Hesus;
Tayo'y lumigaya sa pagkakaisa; sa Haring nakapako sa krus.
Purihi't ibigin ang ating D'yos; na s'yang unang nagmamahal;
Kaya't buong pag-ibig din nating mahalin, ang bawat kapatid at kapwa.
Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga't yamot;
Sundin ang landasin ni Hesukristo; at ito'y halimbawa ng D'yos.
Mapalad ang gumagalang sa D'yos, at sumusunod sa kanya;
Tatamasahin N'ya ang kanyang biyaya, pagpalain S'yat liligaya.

“SINO KAYO”

Sino kayong napabilang sa Kanyang kapisanan?
Sino kayong tinawag N'yang katoto at kaibigan?
Sino kayong sasagisag sa Krus N'yang pinapasan?
Makikibaka alang sa dangal at katarungan. (Koro)

Koro:
Kayo'y taong makasalanan, hinubog sa lupa't kahinaan.
Kayo'y taong makasalanan, inampon sa Kanyang pangalan.
Sino kayong tatanggol sa pananampalataya?
Sino kayong daan ng biyaya at pagpapala?
Sino kayong inanyayahan Niyang makapisan?
Pagtubos sa mundong kapalit, Kanyang kamatayan. (Koro)

Coda: Inampon sa Kanyang pangalan.

PAGTITIPAN

Hesukristo, na naglingkod sa taong mahal,
buong puso, ang sarili Mo'y inialay.
Aking buhay pagpalai't bihagin,
upang Iyong alipin manatili sa pag-ibig Mo.
Panginoon, munti ngang handog ko sa iyo,
sa tingin Mo, halaga ay higit sa ginto.
Pagkat D'yos ko tangi Mong hinahanap,
sa pag-ibig magiging tapat ang puso ko.

HUMAYO’T IHAYAG

Humayo't ihayag (Purihin Siya!)
At ating ibunyag (Awitan Siya!)
Pagliligtas ng Diyos na sa Krus ni Hesus
Ang Siyang sa mundo'y tumubos!
Langit at lupa, Siya'y papurihan!
Araw at tala Siya'y parangalan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan! Alleluya!
At isigaw sa lahat, kalinga Niya'y wagas.
Kayong dukha't salat, pag-ibig Niya sa inyo ay tapat!
Halina't sumayaw, buong bayan! Lukso sabay sigaw, sanlibutan
Ang ngalan Niyang angkin, singningning ng bituin.
Liwanag ng Diyos sumaatin!
Langit at lupa. Siya'y papurihan!
Araw at tala, Siya'y parangalan!
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan, sa tanan!
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan. Alleluya!

TINAPAY NG BUHAY

Koro:
Ikaw Hesus, ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't, inialay.
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob at pagsasalong walang hanggan.
Basbasan ang buhay naming handog
Nawa'y matulad sa pag-aalay Mo
Buhay na laan nang lubos sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (Koro)
Marapatin sa kapwa maging tinapay,
Kagalakan sa nalulumbay. Katarungan sa naapi
At kanlungan ng bayan Mong sawi. (Koro)

PANGINOON, KAPATAWARAN

Panginoon, kapatawaran sa aming mga makasalanan
Ito’y aming kahilingan, O Kristo, kami’y kaawaan
Sa aming mga pagkukulang, Sa aming mga kasamaan,
Panginoon, kami’y gabayan at huwag mong kalilimutan
Pagdating sa ‘yong kaharian.

GUGMA
Gugma ang naghagit ka {nako/namo}
Sa paghalad sa {akong/among} kinabuhi
Gugma ang nagdasig ka {nako/namo}
Sa pagsalig ka nimo, O Ginoo.
Ikaw ra ang bugtong paglaum kahayag sa takdang
madulom ug {ako/kami}
Magpadayon Ginoo sa pagsilbi ka nimo.

SAAN KAMI TUTUNGO?

Saan kami tutungo, kaming makasalanan
Saan kami susulong, dahas lagging kapisan
Ikaw Hesus ang susundan, Ikaw Poon ang hantungan. (Koro)
Koro:
Sino kayong uusig sa di makatarungan
Sino kayang lulupig sakim na umiiral
Sa sinumang sa Diyos mulat, Katarungan magbubuhat.
Kaloob Mong talino atas Mo’y pagyamanin
Sa pakikihamok lagi naming gamitin
Karahasay’y pipiitin, Kamalia’y tutuwirin. (Koro)

AWIT NG PAGHAHANGAD (CENZON)

O Diyos, Ikaw ang laging hanap. Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.
Ika’y pagmamasdan sa dakong banal
nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
magagalak na aawit ng papuring iaalay. (Koro)

Koro: Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay,
‘pagkat ang tulong Mo sa twina’y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak, umaawit akong buong galak.
Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo.
Kaligtasa’y t’yak kung hawak Mo ako.
Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S’yang dahilan.
Ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan.

Coda: Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.

“SA HAPAG NG PANGINOON”

Koro: Sa hapag ng Panginoon, buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan, handog ng Diyos sa tanan

Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan (Koro)

Ang mga dakila't dukha, ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan (Koro)

Sa 'ming pagdadalmhati, sa 'ming pagbibigay puri
Anupamang pagtangis, hapo't pasakit, ang pangalan Niya'y sinasambit (Koro)

“STELLA MARIS”

Kung itong aming paglalayag, Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka, Hinirang na tala ng umaga
Kahit alon man ng pangamba, Di alintana sapagkat naro'n ka
Ni unos ng pighati, At kadiliman ng gabi (Koro)

Koro: Maria sa puso ninuman, Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw

Tanglawan kami aming ina, Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungang, Pinakamimithing kaharian (Koro)

“GABING KULIMLIM”

Pagsapit ng gabing kulimlim naririto Ako, Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya, At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga
Yakapin mo'ng kaloob Kong buhay sa iyo
Sa piling Ko damhin mo ang mundo
Sa kapwa mo muling mabibigo
Kapayapaan Ko lamang ang sasagip sa iyo.
Anumang tagal ng gabi, kasama mo Ako, Di mo man tanto, narito Ako
Ang buhay Ko'ng nagdudulot ng buhay sa iyo,
Kadilimang ito ay kakayanin mo
Pagsapit ng gabing kulimlim naririto Ako, Papawiin Ko ang lumbay mo
Kukumutan ka ng saya, At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga

“PANGINOON, AKING TANGLAW”

Music by: Fruto Ramirez, SJ
Lyrics by: Tim Ofrasio, SJ

Panginoon, aking tanglaw, Tanging Ikaw ang kaligtasan
Sa panganib ingatan ako, Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo
Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan,
Lingapin Mo at kahabagan
Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo, Huwag magkubli, huwag kang magtago
Sa bawat sulok ng mundo, Ang lingkod Mong hahanap sa 'Yo
Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan
Lingapin Mo at kahabagan
Panginoon, aking tanglaw, Tanging Ikaw ang kaligtasan
Sa masama ilayo Mo ako, Ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo.

“DIYOS AY PAG-IBIG” (Dave Magalong)

Pag–ibig ang siyang pumukaw, Sating puso at kalul’wa
At siyang nagdulot, sa ating buhay, Ng gintong aral at pag-asa. (Koro)
Pag-ibig ang siyang buklod natin, Di mapapawi kailan pa man,
Sa puso’t diwa, Tayo’y isa lamang, Kahit na tayo’y magkawalay. (Koro)

Koro: Pagkat ang Diyos nati’y, Diyos ng pag-ibig.
Magmahalan tayo’t magtulungan, At kung tayo’y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal.

Sikapin sa ating pagtungo, Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos, na siyang sumakop sa
Bawat pusong uhaw sa pagsuyo
(ulitin ang koro)

Diyos ay pag–ibig (2x)

“LUPA”

Nagmula sa lupa nagbabalik na kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula
Bago mo linisin ang putik ng ‘yong kapwa
Hugasan ang ‘yong putik sa mukha
Kung ano ang di mo gusto, H’wag gawin sa iba
Kung ano ang ‘yong inutang, Ay siya ring kabayaran
Sa mundo ang buhay ay mayroong hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang

Coda:
Kaya pilitin mong ika’y magbago, Habang may panahon, ika’y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo.
Kaya ngayon dapat ika’y magbago, Habang may panahon ika’y matuto
Pagmamahal sa kapwa ay isa-puso mo.

“isang pagkain, isang katawan, isang bayan”

Katulad ng mga butil na tinitipon,
upang maging tinapay na nagbibigay-buhay.
Kami nawa’y matipon din at maging bayan mong giliw.
Koro:
Iisang Panginoon, iisang Katawan,
Isang bayan, isang lahing sa ’yo’y nagpupugay. (Ulitin)
Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak:
sino mang uminom nito: “may buhay na walang hanggan.”
Kami nawa’y maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. (Koro)

"lupa man ay langit na rin"

Nakita ko ang tunay na pag-asa
Natagpuan ang tunay na ligaya
Mahal naming Panginoon ako'y sumasamba
Pagka't sa piling mo'y walang kasing ganda
Ikaw ang nagturo ng tamang landasin
Sa puso at aking damdamin
Dinggin ang papuri, ang bawat dalangin
Dahil sa 'yo lupa man ay langit na rin

Umasa kang ikaw ang iisipin
Pangalan mo ang laging tatawagin
Mahal naming Panginoon hindi ka lilimutin
Pagka't ikaw ang siyang gabay ng damdamin
Ikaw ang nagturo ng tamang landasin
Sa puso at aking damdamin
Dinggin ang papuri, ang bawat dalangin
Dahil sa 'yo lupa man ay langit na rin
Dahil sa 'yo lupa man ay langit na rin

"May Bukas Pa"

Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay
Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw

Koro:
Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas
May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan (Koro)

Koda:
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Nang Buo Kong Buhay

O mahal na puso o loob ng Diyos
Kapintig ng bayan ang iyong tibok
Puso ko'y pukawin hanggang kumilos
Magpasya't mangatawang ibigin ang krus

At managot sa kapwa na mahal sa'yo
Nang buo kong buhay nang buong kaluluwa
Nang buo kong isip nang buong lakas
Kahit kamatayan aking malasap

O mahal na puso ng butihing Diyos
Batis ng pag-ibig sa kapwang kapos
Tao'y 'yong hinanap nang 'yong matubos
Sana'y matularan ka sa paglilingkod

At managot sa kapwa na mahal sa'yo
Nang buo kong buhay nang buong kaluluwa
Nang buo kong isip nang buong lakas
Kahit kamatayan aking malasap

No comments:

Post a Comment