Thursday, December 1, 2016

MGA PAMASKONG AWITIN (Christmas Songs) - used for Simbang Gabi –

MGA PAMASKONG AWITIN
(Christmas Songs)
- used for Simbang Gabi –
500 ANG PASKO AY SUMAPIT
Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo’y isilang may tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa’t isa ay nagsipaghandog ng tanging alay
Koro:
Bagong taon ay magbagong buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtan natin
Ang kasaganaan.
Tayo’y mangagsiawit habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit ng sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan.
(Koro)
Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.
Kay sigla ng gabi,
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya
ay mayroong litsonan pa
Ang lahat ay may handang iba’t-iba.
Tayo na, giliw, magsalo na tayo
Mayroon na tayong tinapay at keso.
‘Di ba Notse Bwena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko!
Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Tanging araw nating pinakamimithi
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Ang pag-ibig, naghahari
502 BITUIN
Sa isang mapayapang gabi
Kuminang ang marikit na bitwin
At tumanod sa himbing na pastulan nag-abang.
Pagkagising ng maralita, nabighani sa bagong
tala,
Naglakad, at tinungo sabsabang aba!
Hesus, bugtong na Anak ng Ama,
Tala ng aming buhay,
Liwanag, kapayapaan, kahinahunan,
Kapanatagan ng puso, giliw ng Diyos,
At pag-asa ng maralita, ng abang ulila
Biyayaan mo kami ng pagtulad sa Iyo
Nang magningning bilang ‘Yong mga bitwin.
Sa isang pusong mapag-tiis
Kuminang ang marikit na bitwin
At doo’y nanatiling nag-alab, nagningning.
Taimtim nating kalooban,
Ginawa N’yang kanyang himlayan,
Dalanginan, nilikha N’yang sabsabang aba!
Taimtim nating kalooban,
Ginawa N’yang kanyang himlayan,
Dalanginan, nilikha N’yang sabsabang aba!
Hesus, bugtong na Anak ng Ama,
Tala ng aming buhay,
Liwanag, kapayapaan, kahinahunan,
Kapanatagan ng puso, giliw ng Diyos
At pag-asa ng maralita, ng abang ulila
Biyayaan mo kami ng pagtulad sa Iyo
Nang magningning bilang ‘Yong mga bitwin.
503 DALANGIN SA PASKO
I.
Maligayang pasko sa bawa’t tahanan
Ang dalanging naming sana ay makamtan
Masaganang buhay sa taong darating
Ang maging palad sana natin
II
Dinggin lamang ang dalangin
Darating ang hangarin
Sama-sama na awitin
Ang isang Ama Namin
Dinggin lamang ang dalangin
Darating ang hangarin
Sama-sama na awitin
Ang isang Ama Namin
(repeat I, II)
505 HALINA, HESUS
Refrain:
Halina, Hesus, Halina!
Halina, Hesus, Halina!
Sa simula isinaloob mo,
O, Diyos, kaligtasan ng tao
Sa takdang panahon ay tinawag mo
Isang bayang lingkod sa iyo.
Gabay ng iyong bayang hinirang
Ang pag-asa sa iyong Mesiya
“Emmanuel” ang pangalang bigay sa kanya
“Nasa atin ang Diyos tuwina”.
(Refrain)
Isinilang s’ya ni Maria,
Birheng tangi, Hiyas ng Judea
At “Hesus” ang pangalang binigay sa kanya
“Aming Diyos ay taga pag-adya”
Darating muli sa takdang araw,
Upang tanang tao’y tawagin
At sa Puso mo, aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na ‘di mamaliw.
(Refrain)
508 MISA de GALLO
Misa de Gallo sa simbahan,
At nagtilaok na ang tandang
Tanda ng pagdiriwang at pag-iisa
Paskong dakilang araw.
Ang awit na handog sa Mes’yas
Mayr’on pang kastanyetas
At ang koro tuloy ang kanta
May saliw din ng panderetas
Misa de Gallo sa tuwing Pasko
Nagdarasal ang bawa’t tao
At nagpapasalamat sa pagsilang
Ng Diyos na Hari ng mundo.
(repeat #2, #3, then…)
for final:
Ng Diyos na Hari…ng mundo.
518 TALANG PATNUBAY
(Silent Night)
Natanaw na sa silangan
Ang talang patnubay
Nang gabing katahimikang
Ang sanggol sa lupa’y isilang
Ng Birheng matimtiman
Sa hamak na sabsaban.
Hmmm! Hmmm!
Hmmm! Hmmm!
Tulog na, O, sanggol na hirang,
Hilig na sa sutlang kandungan
Ng Birheng matimtiman
Ikaw ay aawitan.
527 FACE OF GOD
To see the face of God is my heart's desire
To gaze upon the Lord is my one desire
For God so loved the world, He gave His Son,
His only begotten Son.
And they shall call Him Emmanuel,
The Prince of Peace, the Hope of all the world
(Emmanuel! Emmanuel! Emmanuel!)
520 GUMISING
(himig: Manoling Francisco, S.J.;
titik: Onofre R. Pagsanghan; areglo: Norman A. Agatep)
Gumising! Gumising, manga nahihimbing
Tala’y nagnining-ning! Pasko na! Gumising!
Kampana’t kuliling kumalembang
(kling…kling…kling…kling)
Ang Niño’y darating sa belen pa galing
Gumising! Gumising, manga nahihimbing
Tala’y nagnining-ning! Pasko na!
(kling…kling…kling…kling) (gumising)
Kahit puso’y himbing masdan masasaling
Niño’y naglalambing sa inang kay ningning
Gumising! Gumising, manga nahihimbing
Tala’y nagnining-ning! Pasko na!
(kling…kling…kling…kling…kling…kling)
Puso’y masasaling luha ang pupuwing
Mag-inang kay lambing puso mo ang hiling
Gumising! Gumising, manga nahihimbing
Tala’y nagnining-ning! Pasko na! Gumising!
(…kling…kling…)
528 THIS HOLY LIGHT
(Ricky Manalo, CSP)
Refrain:
Come follow the star, this holy light!
People, look East, look to the sky:
Christ, our Savior, is born.
In a world of suff’ring, in a world of pain,
where do we seek answers to understand our faith?
(refrain)
In a world of conflict, in a world at war,
where do we seek answers to welcome in the poor?
(refrain)
In a world of hunger where all we want is more,
where do we seek answers to the violence we abhor?
(refrain)
In a world of bloodshed, in a world of hate,
where do we seek answers before it’s all too late?
(refrain)
In a world of mys’try, where no one can be sure,
where do we seek answers to open wide our doors?
(refrain)
529 BITUING NATATANGI
(composed by Ricky Sanchez)
Doon sa bayan ng Bethlehem isang gabing kay dilim
Sa langit sumilay ang isang bituin liwanag nito’y kay ningning
Nagbigay ng tanglaw sa bawat nilalang
Ang anak ng Diyos ay sumilang (sumilang)
Doon sa bayan ng Bethlehem may isang talang nagningning
Higit sa liwanag ng mga bituin sa langit ay napapansin.
O bituing natatangi sa ‘yong liwanag
Pagsilang ni Kristo iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos
Sa pagdating ng manunubos
Doon sa bayan ng Bethlehem may isang sanggol ang dumating
Higit sa liwanag ng mga bituin minsan ay napapansin.
O bituing natatangi sa ‘yong liwanag
Pagsilang ni Kristo ‘yong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos
Sa pagdating ni Kristo Hesus.
O bituing natatangi sa ‘yong liwanag
Pag-asa ng tao iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos
Sa pagdating ni Kristo Hesus
(Sa pagdating ni Kristo Hesus)
MASAYA NATING IPAGHANDA
(by Ferdinand M. Bautista)
Koro:
Masaya nating ipaghanda,
Ang pagdating ng Manunubos,
Tagapagligtas natin.
Tuwirin mga landas,
Mga alitan ay tapusin,
Sapagkat si Kristo’y darating.
Simula pa man noong unang-una
nang ang tao’y nalugmok sa sala.
Pinangako ang Birhen ay maglilihi,
ang Sanggol n’ya ay “Emmanuel.”
(Koro)
Purihin ang Panginoon
na sa atin ay ihahayag.
Ang dulot N’yang kaligtasan sa sanlibutan.
(Koro)
THANK YOU FOR THE LOVE
(music by Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana, lyrics by Robert Labayen)
Maraming bagay ang dumarating
Lahat ay lilipas din
Ligaya't kalungkutan,
Pana-panahon din lang
Iisa ang tumatagal
Tunay na pagmamahal
Sa pag-ibig na taglay
Lahat ay mahihig'tan
Salamat sa pag-ibig
Na subok ng panahon
Dala nito'y liwanag
Lalo na sa ngayon
Koro:
Tuwing pasko, oh woah oh woah
Mas ramdam mo, oh woah oh woah
Dama sa ating tinig ang init ng pag-ibig
Oh woah woah
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
May balikat kang masasandalan
May yakap na sisilungan
Sa pag-ibig ng Diyos
Walang maiiwanan
May hapdi o kabiguan
Pangarap mo'y maglaho man
Sa pag-ibig na taglay
Muling sisimulan
Salamat sa pag-ibig
Na subok ng panahon
Dala nito'y liwanag
Lalo na sa ngayon
Tuwing pasko, oh woah oh woah
Mas ramdam mo, oh woah oh woah
Dama sa ating tinig ang init ng pag-ibig
oh woah woah
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Tuwing pasko, oh woah oh woah
Mas ramdam mo, oh woah oh woah
Dama sa ating tinig ang init ng pag-ibig
oh woah woah
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Iisang pamilya iisa ang ating ama
Iisa ang pag-ibig na galing sa Kanya
Tuwing pasko, oh woah oh woah
Mas ramdam mo, oh woah oh woah
Dama sa ating tinig
Ang init ng pag-ibig,
Woah woah woah, na na na na
Thank you, thank you for the love
Na na na na
Thank you, thank you for the love
Tuwing pasko, oh woah oh woah
Mas ramdam mo, oh woah oh woah
Dama sa ating tinig ang init ng pag-ibig
Oh woah woah, Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Tuwing pasko, oh woah oh woah
Mas ramdam mo, oh woah oh woah
Dama sa ating tinig ang init ng pag-ibig
Oh woah woah, Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Tuwing pasko, oh woah oh woah
Mas ramdam mo, oh woah oh woah
Dama sa ating tinig ang init ng pag-ibig
Oh woah woah
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
Na na nanana nanana
Thank you, Thank you for the love
ISANG PAMILYA TAYO NGAYONG PASKO
(by Robert Labayen and Lloyd Oliver Corpuz)
Bawat daang binabaybay
Pagmamahal umaalalay
Kabiguan man o tagumpay
Hawak mo ang aking kamay
Hindi tayo maliligaw
Walang bibitaw
Pag-ibig ang mangingibabaw
Pag-asa ay abot-tanaw
Naniniwala pa rin ako
Sa himala ng pasko
Na magkakaisa tayo
Sa awiting ito
Koro:
Isang pamilya tayo
We are one in love
Lalo na sa pasko
Isang pamilya tayo
Pag-asa’y laging buhay
Sa Diyos nating gabay
Isang pamilya tayo
Tayo, tayo ohhhh
Isang pamilya Tayo, tayo ohhhh
Kahit abot langit at ulap
Ang iyong mga pangarap
Hindi ito magiging mahirap
Dahil sabay tayong magsisikap
Ang malasakit at kapayapaan
Nagsisimula sa tahanan
May lakas kag kakapitan
Dahil ang pamilya’y magpakailanman
Naniniwala pa rin ako
Sa himala ng pasko
Na magkakaisa tayo
Sa awiting ito (Koro)
Let’s laugh and cry and dream together
Anuman ang mangyari, family is forever
Let’s laugh and cry and dream together
Anuman ang mangyari, family is forever
Naniniwala pa rin ako
Sa himala ng pasko
Na magkakaisa tayo
Sa awiting ito (Koro)

No comments:

Post a Comment