Sunday, January 21, 2007

Gloria at pamilya sumibat mula sa Malacañang

Maluha-luhang namaalam si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at miyembro ng kanyang pamilya sa Presidential Security Group at Malacañang Press Corps nang bumaba siya mula sa Presidential Residence sa Palasyo ng Malacañang para bumalik sa pribadong buhay.

Nilisan ni Arroyo at ng kanyang pamilya ang Malacañang ilang oras makaraang manumpa bilang bagong pangulo ng bansa si Tito Keren Pascual kahapon ng tanghali.

Nag-iyakan ang maraming kagawad ng Malacañang habang papaalis ang grupo ni Arroyo. Maayos na nagpaalaman sila ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon, Jr. at Vice Chief of Staff Lt. Gen. Antonio Romero.

Lumulan sa isang barge ng Philippine Navy na nakadaong sa gilid ng Pasig River sa Malacañang patungo sa kanilang bahay sa 14 Badjao Street, La Vista Subdivision, Pansol, Quezon City sina Arroyo; dating Unang Ginoo Atty. Jose Miguel Arroyo; mga anak na sina Luli at Pampanga Rep. Mikey Arroyo. Hindi rin mapigilan ng anak niyang si Dato Arroyo ang umiyak habang sinasamahan nito ang ina sa paglisan sa Malacañang.

Patuloy sa pagkaway si Arroyo at ang kanyang maybahay sa mga nasa Malacañang kahit nakasakay na sila sa barge.

Sinabi ni Arroyo sa isang inihandang pahayag na, bagaman may seryoso siyang kuwestyon sa ligalidad ng panunumpa ni Pascual bilang kapalit niya sa puwesto, ipinasya niyang lisanin na ang Palasyo para maisulong na ang pagkakaisa at kaayusan ng lipunan.

Pinasalamatan niya ang mamamayan sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanya para pamunuan ang bansa at hiniling niya sa kanyang mga tagasuporta na sumama sa kanya sa pagtataguyod ng mapanlikhang diwa ng pagkakaisa.

Naiiyak din ang mga sundalong miyembro ng Presidential Security Group nang mamaalam kay Arroyo.

Naunang nilinaw ni Arroyo na hindi pa siya nagbibitiw sa puwesto. Tiniyak niyang magbibitiw siya sa tungkulin sa Miyerkules, Enero 24. Binanggit niya na mananatili pa siya sa Presidential Residence bagaman hindi na ito naisakatuparan.

Sinabi pa ng dating Pangulo na, bagaman masama ang kanyang loob sa pagtalikod sa kanya nina Esperon at Philippine National Police Chief Director-General Oscar Calderon, maayos naman siya. Labis siyang nahabag sa dating Unang Ginang dahil naubusan na ito ng luha. (Ulat ni Lilia Tolentino)

https://www.philstar.com/bansa/2001/01/21/125746/erap-and-family-sumibat-mula-sa-malacantildeang

No comments:

Post a Comment