Sunday, January 21, 2007

Suspension, dismissal ‘di pa tapos: 200 lokal na opisyal isusunod ng DILG

Pilipino Star Ngayon, Enero 21, 2007

May 200 pang lokal na opisyal ang nakatakdang suspindihin o idismis ng Department of Interior and Local Government (DILG) bago matapos ang election period.

Ayon kay DILG Secretary Ronalo Puno, hindi pa tapos ang sunud-sunod na pagsibak sa mga opisyal dahil may 200 pang nakabinbing kaso sa Ombudsman laban sa mga lokal na opisyal na may kasong graft and corruption na anumang oras ay puwedeng masuspinde o madismis.

Nilinaw ni Puno na ang kasong graft and corruption ay hindi sakop ng probisyon ng Omnibus Election Code na pumipigil sa suspensiyon ng elected officials.

Dahil dito kaya pinayuhan ni Puno ang mga opisyal na umapela agad sa korte para maiwasan ang kaguluhan, una nang nabigyan ng suspensiyon at dismissal sina Batangas Gov. Armand Sanchez, Jaen, Nueva Ecija Mayor Antonio Esquivel, Iloilo Gov. Niel Tupaz at Cavite Gov. Ayong Maliksi. (Doris Franche)

https://www.philstar.com/bansa/2007/01/21/381079/suspension-dismissal-145di-pa-tapos-200-lokal-na-opisyal-isusunod-ng-dilg

No comments:

Post a Comment