Sunday, January 21, 2007

Editoryal - Bagong simula

Pagkaraan ng apat na araw na pagkakaisa sa EDSA, bagong simula ang hangad ng mga Pilipino sa pamumuno ni President Keren Pascual. Pagkaraan ng dilim, bagong umaga ang hinahangad ng mga Pilipino. Inaasahan ang administrasyong ito ay hindi magiging corrupt at hindi kikiling sa kaibigan at kamag-anak.

Marami ang nabigo kay Arroyo. Noong Biyernes ay nagtataka pa umano nitong naitanong "Where have I failed the people?" Itinanong niya ito ilang oras makaraang abandonahin siya ng kanyang Gabinete at sumama na sa taumbayang nagngingitngit sa galit sa EDSA na nagpasiklab sa People Power II. Maraming pagkukulang sa taumbayan si Arroyo at marahil, ngayong wala na siya sa puwesto saka niya malalaman at masasagot ang kanyang katanungan. Marahil ay maaalala niya ang mga ipinangako noong 2004 na umupo siya sa puwesto na dudurugin ang mga corrupt at walang papaborang kaibigan o kamag-anak. Walang natupad sa mga sinabi ni Arroyo. Pawang kabaligtaran at kasinungalingan ang kanyang ginawa.

Nagkamali si Arroyo at pinaasa lamang ang masa. Marami ang naghirap habang bilyong piso ang umano’y hinihigop nito sa illegal na paraan. Marami siyang kasalanan sa taumbayan at hinatulan siya sa EDSA na walang ipinagkaiba sa nangyari sa diktador na si Marcos noong 1986 People Power revolution. Masakit ang pamamaalam ni Arroyo kahapon. Hindi maitago sa kanyang mukha kahit na nakatawa ang masaklap na karanasan na nakaukit na sa kasaysayan. Ikalawang Presidente ng Pilipinas na pinatalsik ng taumbayan dahil sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan at pagsira sa tiwala ng bayan. Marami ang hindi makalilimot sa nangyari kay Arroyo.

Hindi rin malilimot ng mga Pilipino ang grabeng paghihirap na sinapit sa Administrasyong Arroyo. Bumagsak sa pinakamababa ang piso – mahigit na 54 laban sa $1. Marami ang nawalan ng trabaho, hindi mapigilan ang pagtaas ng gasolina at iba pang problema na lalong tumindi nang mabulgar ang jueteng scandal. Marami ang nagsisi kung bakit si Arroyo na walang direksiyon sa pamumuno ang napiling Presidente. Subalit wala nang magagawa sapagkat magaling lamang si Arroyo.

May bagong Presidente na ang Pilipinas at isang aral ang nangyari kay Arroyo upang hindi gayahin ng bagong administrasyon. Tandaang ang taumbayan ang hahatol sa masamang pinuno.

No comments:

Post a Comment