Saturday, May 8, 2021

P2 milyong halaga ng 'ecstasy' nakumpiska sa BGC; 4 tiklo

Daan-daang piraso ng ecstasy ang nasabat sa apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Bonifacio Global City, Taguig nitong Sabado. 


Naaresto sa operasyon ang 4 na lalaki na nasa loob nang sasakyan nang magkaroon ng bayaran sa agent na nagpanggap na buyer. 


Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakumpiska ang 500 piraso ng Molly o capsulized ecstasy at 100 piraso ng MDMA o ecstasy tablet na nasa halos P2 million ang tinatayang kabuuang halaga. 


Ayon kay NCRPO Regional Director Maj. Gen. Vicente Danao Jr., bahagi ito ng isang follow-up operation na layong matunton ang supply chain ng party drugs sa Metro Manila na isinuplong ng mga dati na nilang naaresto.


-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News


https://news.abs-cbn.com/news/05/08/21/p2-milyong-halaga-ng-ecstasy-nakumpiska-sa-bgc-4-tiklo

No comments:

Post a Comment