Tatlo ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Manicahan sa nasabing lungsod, Sabado ng umaga, kung saan P1.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat.
Pawang residente ng Basilan ang mga suspek.
Ayon sa hepe ng Labuan Police Station na si Maj. Sonny Boy Perez, nasabat sa tatlo ang tatlong malalaking pakete ng hinihinilang shabu na nagkakahalaga ng P1.4 milyong.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.
- Ulat ni Leizel Lacastesantos
No comments:
Post a Comment