Thursday, April 8, 2021

TINGNAN: Daan-daang SAP beneficiaries nagpalipas ng gabi sa paaralan sa QC

Inumaga na ang pamimigay ng ayudang pinansyal para sa mga social amelioration program (SAP) beneficiaries sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, kung saan nasa 2,000 benepisyaryo ang nakatakdang mabigyan sa unang batch ng ayuda.


Ayon sa mga tauhan ng DSWD alas-11 ng umaga nitong Miyerkoles nag-umpisa ang verification process ng mga tatanggap ng ayuda, pero dakong alas-4 na ng hapon na mag-umpisa ang mismong payout dahil kinailangan pa nilang iimprenta lahat ng payroll ng mga beneficiaries.


Dahil diyan, daan-daang residente ang nagpalipas ng gabi at matiyagang pumila para sa ayuda.


Muling nagpaalala ng mga taga-barangay na tanging mga nasa masterlist lang ng second batch ang dapat na pumila para sa ika-2 araw ng pamimigay ng ayuda.


Ayon sa kanilang official page, sa Quezon City University gaganapin ang pamamahagi ng ayuda para sa ika-2 batch ng kanilang mga beneficiaries. 


Makikita rin sa naturang page ang listahan ng mga naka-schedule na tumanggap ng ayuda Huwebes simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.


https://news.abs-cbn.com/news/04/08/21/tingnan-daan-daang-sap-beneficiaries-nagpalipas-ng-gabi-sa-paaralan-sa-qc

No comments:

Post a Comment