Thursday, April 8, 2021

Pamimigay ng ayuda sa ilang parte sa Maynila, inabot muli ng hatinggabi

Muling inabot ng hatinggabi ang pamimigay ng ayuda sa Maynila nitong Miyerkoles.


Pero hindi ito alintana ng mga residente na naghihintay maabutan ng tulong. Sa Barangay 420 sa Sampaloc, tig-30 lang ang pwedeng manatili sa covered court. 


May numero na ang mga beneficiary at inaanunsyo lang sa public address system ang pupunta roon. Kaniya-kaniyang bitbit din sila ng papel na may sulat na ng kanilang pangalan para hindi na kailangang maghiraman pa ng ballpen. 


Para sa mga residente, kahit ginabi ang distribusyon ay wala silang reklamo dahil sa bahay naman sila naghintay at hindi na pumila nang matagal.


Ngayong Huwebes, higit 60,000 beneficiaries pa ang target na mabigyan ng ayuda sa Maynila.


Dahil mataas ang exposure ng mga empleyado ng city hall at mga pulis na kasama sa distribusyon, isinama na sila sa mga maaaring magpabakuna konta-COVID-19 bilang proteksyon.


Bukod sa frontliners at persons with comorbidities, muli nang itutuloy ang pagbabakuna sa senior citizens matapos aprubahan ng DOH at FDA ang paggamit ng Sinovac sa kanila.


Dinagdagan pa ang vaccination sites sa lungsod na ngayon ay may 20 na vaccination site na para mas mapabilis ang pagbabakuna sa mga residente.


https://news.abs-cbn.com/news/04/08/21/pamimigay-ng-ayuda-sa-ilang-parte-sa-maynila-inabot-muli-ng-hatinggabi

No comments:

Post a Comment